Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Jona Soquite itinanghal na kauna-unahang “The Voice Teens” grand champion

Si Jona Soquite ng Team Sarah ang itinanghal na kauna-unahang grand champion ng “The Voice Teens” sa buong bansa at sa Asya, matapos siyang makatanggap ng 44.78% ng pinagsamang public text at online votes sa grand finale ng programa noong July 30, na napanood sa labas ng bansa simulcast sa ABS-CBN airing nito via TFC online (TFC.tv), sa key countries worldwide.

Si Soquite ang ikatlong artist ni coach Sarah Geronimo na nagwagi sa kompetisyon, at tinalo ang mga katunggaling sina Isabela Vinzon ng Kamp Kawayan na nakakuha ng 22.42% ng mga boto, si Mica Becerro ng Team Lea na nakakuha naman ng 17.79% ng mga boto, at Jeremy Glinoga ng Team Sharon na nakakuha ng 15.01% ng mga boto.

Naging matamis ang tagumpay ni Soquite dahil dumaan siya sa matinding pamumuna mula sa bashers online. Aniya, “Nakita ko po ngayon, halos kalahati (ng voters) ang naniwala sa akin. Sobrang saya ko po na naipakita ko sa kanila ang tunay na Jona. Maraming maraming salamat po sa lahat”.

Bilang grand champion, nagwagi si Soquite ng fashion package, Php 1 milyong cash, Php 1 milyong halaga ng trust fund, business package, dental services, Php 2 milyong halaga ng life insurance, recording at managing contract, at isang bagong bahay at lupa na nagkakahalaga ng Php 2 milyon.

Bago ang performance niya ng kaniyang winning piece na “I Believe I Can Fly” noong grand finals, ipinamalas ni Soquite ang kaniyang versatility bilang mang-aawit nang mag-duet sila ng kaniyang coach na si Geronimo sa kantang “Better Days”, at solo performance ng kantang “Just Dance” ni Lady Gaga.

Talaga namang tinutukan ng sambayanan ang unang season ng “The Voice Teens”, kaya consistent trending topic ito online at nanguna linggo-linggo sa nationwide ratings. Katunayan, ang two-night grand finals ng programa ay nagtala ng 38.2% rating noong July 29 at 40.3% ratings noong July 30, ayon sa datos ng Kantar Media Television Audience Measurement (TAM), isang local viewership measurement company. Sa TFC online (www.TFC.tv), napabilang din ito sa isa sa mga programa na may highest views noong weekend na iyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *