Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF AUGUST 2017

Aries (March 21-April 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Gray
LUCKY NOS: 11, 22, 33, 44
Ang swerte ay parang nakadikit sa iyo ngayon dahil sa likas na kababaang-loob na taglay para sa mga kapus-palad. Samantalahin ang magandang pasok ng kapalaran at ikaw ay mas mabibiyayaan.
Taurus (April 20-May 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 2, 23, 32, 45
Magkakaroon ng kaunlaran ang kalagayan sa pananalapi. Iwasan ang mga walang kabuluhang mga bagay na uukopa ng iyong oras dahil maaaksaya lamang ang iyong panahon sa walang kawawaan.
Gemini (May 21-June 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Olive Green
LUCKY NOS: 7, 14, 24, 37
Maging praktikal, simula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay. Siguraduhing sa mabuting bagay mapupunta ang pakakawalang pera dahil ito ang magiging pundasyon mo sa darating na mga araw.
Cancer (June 22-July 22)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Turquoise
LUCKY NOS: 4, 17, 25, 42
Iwasan ang mga usapan na karaniwang ugat ng hindi pagkakaunawaan. Huwag magpadala sa pagiging agresibo ng kaibigan. Pag-ukulan ng pansin ang minamahal. Huwag din kalimutan ang kalusugan. Lahat ng mga importanteng bagay ay dapat pagtuunan ng pansin.
Leo (July 23-August 22)
LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 8, 13, 18, 26
Mahalaga ang magkaroon ng social acquaintance. Ngayon mapapatunayan sa sarili na ang sinayang na panahon ay hindi na maibabalik. Ipagpatuloy ang sinimulang pamumuhunan at magiging maganda ang kahihinatnan.
Virgo (August 23-September 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Cranbury Red
LUCKY NOS: 6, 15, 27, 33
Magiging mailap sa iyo ang kapayapaan ng loob. Patawarin ang taong matagal nang kinaiinisan upang gumaan ang kalooban.
Libra (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 8, 19, 28, 31
May kalutasan ang matinding kagipitan kung pananatilihin ang pagkamahinahon upang makapag-isip ng solusyon. Walang mangyayari kung ikaw ay magiging balisa at matataranta sa paghahanap ng solusyon. Ang kasagutan sa iyong problema ay abot tanaw mo na lamang.
Scorpio (October 24-November 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 1, 29, 35, 40
Ikundisyon ang isip at i-relax ang katawan dahil kakailanganin ang lakas ng katawan sa haharaping problema. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib dahil makakadagdag lamang ito sa problema. Maging mahinahon.
Sagittarius (November 22-December 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Fuschia Pink
LUCKY NOS: 7, 16, 30, 36
Tuklasin ang sariling potensyal at kung paano ito mapapakinabangan. Ipagpatuloy ang naudlot na mithiin sa buhay. Ikaw lamang ang makakatulong sa iyong sarili.
Capricorn (December 22-January 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 5, 24, 31, 43
Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang maselang akusasyon na ipinupukol sa iyo. May darating na materyal na bagay mula sa ibang bansa.
Aquarius (January 20-February 18)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 1, 17, 25, 38
Isulong mo ngayon ang planong pangkabuhayan na sinimulan noong nakalipas na taon. Matutugunan ang hamon ng oportunidad.
Pisces (February 19-March 20)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 2, 15, 27, 32
Ang bagong marketing strategy na maiisip ay may ibubungang tagumpay kung isasakatuparan ngayon. Sasang-ayon sa panukala mo ang mga nakakataas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *