Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JULY

Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 2, 5, 13, 27

Hindi masama ang humingi ng payo sa mga kaibigan na makakatulong para sa iyong kapakanan. Ikaw ay madaling magalit kaya iwasan ang mapikon o magalit sa mga biro o kantiyawan. Kung ikaw ay mayroong kutob, sundin ito at maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 3, 8, 22, 25

Makakatanggap ng magandang balita na magdudulot ng kasiyahan sa magulang o sa mga taong malalapit sa iyo. Ikaw ay marunong makisama kaya naman lagi kang pinagpapala.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 4, 9, 14, 21

Sa bawat pakikipagusap, marapat lamang na ito ay suriing mabuti upang masigurong tama ang iyong magiging desisyon. Nakikitang maganda ang iyong kapalaran sa pagnenegosyo at pananalapi. Ang dapat lamang pagtuunan ng pansin ay ang kalusugan.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Yellow Gold
LUCKY NOS: 8, 9, 17, 46

Sa suliraning dinaranas sa ngayon ay ikaw lamang at wala ng iba ang makakalutas nito. Huwag mong bigyan ng tuon ang iyong buhay pag-ibig dahil may kabigatan itong dalhin. Ituon mo sa trabaho ang isipan at iwasan ang pagbabakasakali dahil may posibilidad na mabigo ka.

Leo (July 23 August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Fuchsia
LUCKY NOS: 2, 6, 31, 45

Mabuti at maganda man ang layunin ng paanyaya ng iyong malapit na kaibigan ay wala naman ito sa tamang panahon upang iyong paunlakan. Iwasan ang maging mapaghanap sa minamahal, kasambahay at kasamahan. Magiging masaya sa piling ng pamilya. Maunlad ang negosyo.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 3, 12, 17, 19

Pag-aralang mabuti ang magiging epekto ng salitang bibitiwan. Mag-ingat sa pagpapahayag ng damdamin at baka humantong sa hindi pagkakaunawaan. Kailangan sundin ang payo ng doktor, huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Alagaan ang kalusugan.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Ruby Red
LUCKY NOS: 6, 13, 25, 27

Ang talas ng iyong pakiramdam ang siyang makakalutas sa taglay na problema. Walang magiging sagabal sa mga gawain o trabaho. Pabor ang mga gawaing mental kaysa sa pisikal. Umaayon ang panahon sa pagpaplano kung anong dapat gawin para mabayaran ang pagkakautang.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Lavender
LUCKY NOS: 11, 19, 24, 40

Huwag mangako kung hindi tutuparin. Mag-ingat sa tungkulin na nakapatong sa balikat, dahil may mga taong sa iyo’y nakasubaybay. Ang iyong pangako ang magiging batayan sa ikakaligaya ng relasyon, huwag basta magtiwala at ipagkaloob ang sariling tungkulin sa iba.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 10, 21, 25, 30

Maayos ang magiging takbo ng iyong love life sa buwan na ito dahil inaayunan ng panahon. Huwag mabahala dahil ang mga pangyayari ay nasa iyong panig. Magiging emosyonal sa konting suliranin na lilitaw kaya kung maiiwasang maging emosyonal ay mas maigi.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 1, 5, 33, 34

Huwag magmamadali sa hinahangad. Kumilos kaagad kung may magandang pagkakataon. Hanapin ang tamang paraan sa paghupa ng tensiyon sa tungkulin. Pag-isipang mabuti ang payo bago magdesisyon.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Mint Green
LUCKY NOS: 8, 10, 15, 26

Ang dating hinanakit o tampo ay mapapawi. Tatakbo nang maginhawa ang mga bagay na nasimulan. Maging alerto sa humahangad sa iyong pwesto. Kung ano man ang nilalakad, ipagpaliban muna dahil palpak ito kung itutuloy.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Bloody Orange
LUCKY NOS: 3, 6, 18, 29

Ang susi ay alamin muna ang mga bagay tungkol sa napupusuan bago magpahayag ng saloobin. Medyo makakaligtaan ang komunikasyon. Huwag maghangad ng sobra. Maging labis na matulungin sa trabaho o sa tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *