Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Meiji Shrine Spring Grand Festival

Kasabay nang pagpasok ng panahon ng tagsibol ay ang pagdiriwang ng mga shrines kung saan may mga seremonya at aktibidades na nagaganap. Sa Meiji Shrine, ang pinakapopular na shrine sa lungsod ng Tokyo, ay may magaganap na Spring Grand Festival sa darating na Abril 29 hanggang Mayo 3.

Mapapanood dito ang iba’t ibang traditional art performances at talakayan mula sa mga magagaling na master. Pangunahing atraksyon din ng Meiji Shrine Spring Grand Festival ang mga namumukadkad na bulaklak dito tulad ng azalea, yamabuki at oleaceae.

Ilan sa mga nakatakdang seremonya ang ang mga sumusunod: bugaku (Abril 29 mula 11:00), Noh at Kyogen (Mayo 2 mula 11:30), sankyoku (Mayo 2 mula 3:30), hogaku at hobu (Mayo 3 mula 11:45) at Satsuma biwa (Mayo 3 mula 2:30).

Sa kalapit na Yoyogi Park ay maaaring mag-picnic kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *