Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

7 ski resorts in Japan to enjoy winter

Photo: Wikipedia

Tuwing winter season, paboritong bonding ng magkakapamilya at magkakaibigan ang mag-ski trip. Madalas ay sumasama sila sa mga bus tours papunta sa mga world class ski at snowboard resorts sa iba’t ibang bahagi ng bansa na aabot sa mahigit sa 500. Excited ang lahat sa makikitang snow, nakakamanghang mga tanawin at siyempre ang masubukan ang popular na winter sport.

Travel tip: Mas makakatipid kung may dalang sariling gears ngunit may maaarkila rin naman pagdating dito. Magbaon ng karagdagang proteksyon sa lamig tulad ng gloves, bonnete at earmuffs dahil kadalasan ay hindi ito kasama sa mga pinapahiram na winter gears.

Skiers walking on snow covered mountain ranges Tateyama Japan

1. Happo-one Winter Resort – Kabilang ito sa top 5 ski and snowboard resorts sa buong Japan at matatagpuan sa Hakuba area sa Nagano Prefecture. Isa ito sa mga venues ng 1998 Olympic alpine downhill ski events at ski jump.

Website: http://www.happo-one.jp/english/

2. Oze Iwakura – Ito ay isa sa pinakamalaking ski resorts sa Kanto area. Mayroong 16 na iba’t ibang courses dito na pwedeng pagpilian ng mga skiers at snowboarders. Bukas ito hanggang Abril 9.

Website: http://www.oze-iwakura.co.jp/ski/en/
3. Gala Yuzawa – Hindi kalayuan sa Tokyo ay matatagpuan ang isa sa itinururing na best ski resorts sa bansa. Ipinagmamalaki rito ang mga ski slopes at skiing facilities pati na rin ang nakakamanghang snowy landscape.

Website: https://www.govoyagin.com/activities/japan-tokyo-ski-day-trip-to-a-top-ski-resort-near-tokyo-gala yuzawa/2993?gclid=COTIqoO7t8kCFYGZvAodMF4A2A

4. Hanazono Ski Area, Niseko – Sa Mount Annupuri sa Nikeso United area, sa northeastern na bahagi sa p
agitan ng Hirafu at Kutchan sa Hokkaido ay matatagpuan ang malapulbo na snow at magagandang slopes na sinamahan pa ng modernong pasilidad na tiyak na mae-enjoy ng mga darayo rito.

Website: http://www.hanazononiseko.com/en/snow/

5. Naeba Ski Resort – Sa Niigata matatagpuan ang isa sa pinakapopular na ski resorts sa Japan na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista. Mainam itong tunguhin kung balak manatili ng ilang araw dahil sa mga available na accommodations sa paligid nito. Ipinagmamalaki nito ang malapulbo na snow at naggagandahang mga bundok.
Website: http://www.princehotels.com/en/ski/mtnaeba/index.html

6. Tangram Ski Circus – Sa Nagano ito matatagpuan na popular dahil sa mga snowcapped mountains. Maganda itong puntahan ng buong pamilya dahil kumpleto sa playground at nursery para sa mga bata habang may mga pasilidad din na mae-enjoy ng mga matatanda.

Website: http://www.tangram.jp/foreign/english.html

7. Spring Valley Ski Resort – Kulang isang oras mula sa downtown Sendai ay matatagpuan ang resort na ito na nasa Mt. Izumigatake. Ito ay maliit lamang na resort na mae-enjoy kung nais maglaro sa snow. Ang pinakamainam na snowfall dito ay tuwing Pebrero at Marso.

Website: http://www.snowjapan.com/japan-ski-resorts/miyagi/sendai/spring-valley-izumi-kogen

Kadalasan ay kumpleto ang pasilidad ng mga ski resorts na ito para sa mga bata na tiyak na mag-e-enjoy sa kanilang hindi makakalimutang winter getaway!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *