STARSCOPE FOR THE MONTH OF FEBRUARY 2017
Aries (March 21-April 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 9, 23, 33, 38
Ang pambihirang talas ng isip na iyong taglay ang siya mong gagamitin upang magsaliksik at tumuklas. Makakatawag ka ng pansin sa bawat taong makakausap. May magandang aral na mapupulot ang iba mula sa iyo.
Taurus (April 20-May 20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 7, 27, 37, 40
Masigla ka man sa mga panahon na ito ay mabilis naman maubos ang iyong pagtitimpi. Pairalin ang pagiging mahinahon at pagiging mapagpakumbaba dahil kung hindi mo ito gagawin ay may isang taong magtatampo.
Gemini (May 21-June 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 11, 29, 31, 38
Ang maliit na suliranin sa minamahal ay malulutas. Huwag mag-alinlangan at iwaglit ang duda dahil mahal ka niya. Kung may duda sa katapatan ng minamahal, nagkakamali ka. Iwasan ang magselos kung walang matibay na basehan.
Cancer (June 22-July 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 21, 38, 41, 44
Maging mahinahon at pairalin ang pagkamaunawain dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at madaling mag-init ang ulo. Kung may gagawing desisyon, pangalagaan ang kapakanan.
Leo (July 23-August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Aqua Blue
LUCKY NOS: 9, 15, 33, 39
Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit may mas mahalagang bagay na dapat tapusin. Ngayon ang tamang panahon sa pagpaplano sa bagay na gustong simulan. Positibo ang pag-iisip sa ginagawa kaya positibo ang magiging resulta.
Virgo (August 23-September 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 14, 30, 40, 42
Ang mga pagkakamaling nagawa ay dapat na maging aral na hindi na maulit. Anuman ang gagawin, tiyakin na ang kalalabasan ay katanggap-tanggap.
Libra (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 6, 19, 25, 38
Kung may kagalit sa nakaraan, ngayon ang tamang panahon para makipagbati. Malakas ang iyong karisma kaya walang dahilan upang ikaw ay matanggihan.
Scorpio (October 24-November 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Violet Pink
LUCKY NOS: 2, 6, 30, 42
Kahit sa kahirapan, basta’t kapiling ang mahal, kuntento at maligaya ka na. Ito ang iyong magiging damdamin. Kung malayo ang minamahal dahil sa hanapbuhay, huwag malungkot dahil sa sipag at tiis makakamit ang minimithi.
Sagittarius (November 22-December 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: *
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 20, 25, 34, 35
Kung kapos sa pera o gamit, huwag mag-alala dahil nasa tamang landas ang kaunlaran kung iiwasan ang hindi magandang iniisip. Iwasan na gumawa ng labag sa batas o hindi matatanggap ng tao dahil tiyak mabubuking.
Capricorn (December 22-January 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 10, 22, 32, 40
Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Mayroon kang makikilala na malamang ang siya mong magkakatuluyan sa hinaharap. Isang kaibigan o kamag-anak ang hihingi ng tulong o payo. Ituloy ang balak dahil may mapapala.
Aquarius (January 20-February 18)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Burgundy
LUCKY NOS: 13, 22, 35, 41
Pag-aralang mabuti ang payo bago isaalang-alang at pumalaot. Kung may suliranin, may paraan para malutas ito. Basta hindi idaraan sa dahas at init ng ulo. Huwag magpabigla-bigla dahil pagsisisi ang resulta.
Pisces (February 19-March 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 14, 17, 34, 43
Ang taos-pusong pagpapasalamat sa mga biyayang tinatamasa ay lalong magbibigay ng pagpapala. Lingunin ang pinanggalingan at tiyak makakarating sa patutunguhan. Ngayon ang panahon sa pag-alala sa mga taong nakatulong.