Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Xian Lim at KZ Tandingan, makikipagpistahan sa mga Pinoy sa Japan sa Philippine Festival 2017

TFC Hour ng Philippine Festival 2017, gagawing mas makulay para sa mga kababayan nina Xian Lim at KZ Tandingan sa kanilang mga unique performances

Kilala sa buong mundo ang makulay at masayang mga piyesta ng Pilipinas at kahit saan man sa mundo ay dala-dala ito ng mga kababayan. Sa Japan, muli namang ipagdiriwang ang taunang fiesta via Philippine Festival 2017 na gaganapin sa Septyembre 30 ~ October 1, 2017 sa Hibiya Park Chuo Ku Event Square sa Tokyo, Japan.

Ngayong taon, patuloy naman ang suporta ng The Filipino Channel (TFC) sa pamamagitan ng pagdala ng multi-talented Kapamilya stars na sina Xian Lim at KZ Tandingan upang magtanghal sa TFC Hour.

Unang inilunsad noong 2012 ang tinaguriang “biggest and most awaited Filipino event in Japan”, sa pangunguna ng Philippine Festival Organizing Committee (FPOC) at sa suporta ng Philippine Embassy sa Japan.

Ngayong taon, sina Lim at Tandingan naman ang magdadagdag kulay at saya sa annual festival para sa mga kababayang Pilipino na dadalo sa pagdiriwang.

Bukod sa pagdadala ng Kapamilya artists, naghanda rin ang TFC sa kanilang booth ng iba’t ibang mga palaro, kung saan maaari magwagi ang participants ng photo opportunity kasama sina Lim at Tandingan o mag-uwi ng limited edition TFC merchandise ang festival goers.

Isa pa sa inaabangan ng mga kababayan ang makulay at masayang festival parade na magaganap sa venue, kung saan ibibida ang iba’t ibang popular na Philippine festivals. Siguradong mabubusog din ang festival-goers sa mga paborito nilang pagkaing Pinoy na ibebenta sa iba’t ibang booths sa venue.

Makikiisa ang TFC at Filipino community sa Philippine Festival 2017 na gaganapin sa September 30 at October 1 sa Hibiya Park Chuo Ku Event Square sa Tokyo. Ang TFC Hour kasama sina Lim at Tandingan ay magaganap sa October 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *