You are here
Home > Travel > World Festa Yokohama 2017

World Festa Yokohama 2017

YAMASHITA PARK, OCTOBER 7&8

PHOTO COURTESY OF: YOKOHAMA CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY BUSINESS DEPARTMENT

Ang Yokohama ang unang harbor city sa Japan na nagbukas sa buong mundo. Simula nang magbukas ang daungan nito para sa foreign trade ay iba’t ibang dayuhang kultura ang naipakilala rito; habang pinapakilala rin naman nito sa ibang bansa ang natatanging kultura ng bansang Hapon.

Milyun-milyong lokal at dayuhang turista ang pumapasyal sa mga magaganda at makasaysayang lugar dito kada taon kaya naman iba’t ibang panghalina rin ang isinagawa rito. Isa na rito ang World Festa Yokohama 2017 na nakatakdang ganapin sa Yamashita Park sa Oktubre 7 (Sabado, 10: 00 – 19: 00) at 8 (Linggo, 10: 00 – 17: 00).

Ang Yamashita Park ang sentro ng pananamit, pagkain, pabahay at paglalaro sa lugar. Kaya naman napili ito para pagganapan ng World Festa Yokohama 2017 na layong mag-ambag sa pagpapaunlad ng sightseeing at tourism industry.

May temang “Eating, Playing, Traveling the World,” tampok dito ang iba’t ibang pagkain mula sa iba’t ibang bansa, partikular ang Southeast Asian cuisine tulad ng curry, kebab at iba pa sa mga booths na itinayo sa Yamashita Park.

Sa dalawang araw na pagdiriwang ay magsasagawa ng “World Gourmet Show” kung saan tampok ang iba’t ibang pagkain at inumin mula sa buong mundo. Tila malaking outdoor restaurant ang Yamashita Park dahil dito; “World Fashion Show” kung saan mainit na sasalubungin ng mga dayuhan na nakasuot ng kanilang national costume ang pagdating ng mga bisita. Susundan ito ng fashion show kung saan bibida ang mga kasuotan mula sa iba’t ibang bansa. Dagdag din sa kagalakan ang mga photo services para sa mga souvenir pictures ng mga bisita; Nariyan din ang “World Music & Dance Show” tampok ang mga iba’t ibang performers; Mayroon din “World Bazaar” kung saan ipapakilala ang lifestyle ng kalahok na bansa sa pamamagitan ng mga handicrafts, accessories, pagkain at iba na tila ba ay nasa ibang bansa dahil sa nilikhang kapaligiran na makakapagpaalala sa iyo sa bansang iyon.

Magkakaroon din ng stamp rallies kung saan ang mga bisita ay makakapag-arkila ng mga pambansang kasuotan ng iba’t ibang bansa na maaari nilang isuot.

Bilang espesyal na kaganapan ay gugunitain din ang ika-150 anibersaryo ng Danish diplomacy kung saan may mga street performances na magaganap.

Ang World Festa Yokohama 2017 ay hatid ng Yokohama Executive Committee, Yokohama Chamber of Commerce and Industry, Yokohama City, Yokohama Tourism Convention Bureau, Yamashita Park Street Association, Yokohama Youth Council Chamber, Kanagawa Prefecture, (Kochi) Kanagawa Prefecture Tourist Association, Kanagawa Shimbun at tvk (TV Kanagawa) sa pakikipagtulungan ng Motomachi SS Association, Yokohama Chinatown Development Association, Bashamichi Shopping District, Yokohama Port Promotion Association, Ueno Transtech Co., Ltd, Hotel New Grand Co., Ltd., Port Service Co., Maruzen Showa Transport Co., Ltd., Kiyoken, Kawamoto Kogyo Co., Ltd., Yokohama Bank, Nissan Co., Ltd., I-net Inc., Yokohama Okadaya Co., Ltd., Coca-Cola East Japan Co., Ltd., Kirin Brewery Co., Ltd. FM Yokohama, Radio Japan, Sagami Railway Co., Ltd., Kanagawa Chuo Kotsu Co., Ltd., Tokyu Corporation, Yokohama High-Speed Railway Co., Ltd., JR East Yokohama Branch at iba pa. Kabilang din ang Weins Group bilang sponsor.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: