You are here
Home > Wholesome > Wais sa スーパー

Wais sa スーパー

Sa tinatakbo ng ekonomiya ng iba’t ibang bansa, hindi maiiwasan ng mga negosyante na mag-adjust hindi lang sa kani-kanilang produkto kundi lalo na sa presyo. Sa lahat ng aspeto ng negosyo, mula sa gamit hanggang sa pagkain, dito mo makikita ang mga ideya mula ng mga kumpanya o negosyante upang maka-survive.

Ang survival na tinatawag ay hindi lamang para sa kanila kundi para na rin sa kanilang consumers. Ang “IN” ngayon ay ang warehouse club na ang layon ay upang mas mabigyan ng mababang presyo ang mga mamimili. Nauso ang mga convenience stores na kahit saan kanto magpunta ay makikita ito. Ang takbo ng mga retail stores ay hindi naging mainam dahil na rin sa mga negosyanteng nagdadaigan, umapaw ang supply na hindi naman masyadong naging mabenta dahil hindi naman ganun karami ang demand. Ang takbo ng ekonomiya sa buong mundo ang nagtulak sa mga negosyante upang magsama-sama at mag-isip ng paraan upang mapanatili ang daloy ng negosyo.

Kung kaya’t nabuo ang warehouse club na ang layon ay mag-alok ng mas murang bilihin sa mga consumer subalit hindi rin masasakripisyo ang kalidad ng produkto.

Bakit mura?

Ang normal na supply ng mga produktong ibinebenta sa supermarket ay magmumula sa factory o pagawaan at pagkatapos ay dadaan sa kamay ng mga umaangkat na wholesaler at saka lamang ito babagsak sa supermarket. Ang gastos ng negosyante mula sa pag-angkat sa factory hanggang sa warehouse na kinukuhanan nila ng produkto hanggang sa destinasyon ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng produkto. Sa mga mamimili, ipinapatong ang ginastos ng mga negosyante at ito ay sa bawat produkto.

Sa makabagong trend ay hindi na dadaan pa sa third party ang mga produkto. Mula sa factory ay dumidiretso na ito sa supermarket para mas mababa ang presyo na iniaalok sa mga mamimili. May option din ang mga mamimili dahil makikita mo sa mga presyo nito ang wholesale price at ang retail price.

Ang pagpasok ng mga wholesale supermarket sa makabagong panahon ay mas nakatulong sa mga mamimili na naghahanap ng murang bilihin na hindi maapektuhan ang kalidad ng pagkain o produkto.

OK Supermarket

Isang tipikal na Japanese supermarket sa sadyang kaiga-igaya kapag ikaw ay nasa loob. Lokal at produktong galing sa ibang bansa ang makikita rito. Marami silang lokasyon tulad sa Atsugi, Fujisawa, Hachioji, Hatsudai, Itabashi, Kamata, Kasai, Kawagoe, Kawaguchi, Kawasaki, Koenji, Koganei, Minamisuna, Musashishinjo, Nakano, Ogikubo, Sagamihara, Sagamiono, Seijo, Shinagawa, Tsuzuki, Urayasu, Yamashita at Yoga. May lingguhang discount sa bawat produkto at mayroong 3% discount para sa mga miyembro ng naturang supermarket.

Business hours: Mula 8:30 a.m. hanggang 9:30 p.m. depende sa lokasyon

Gyoumu Supermarket

Ang Kobe Bussan ay ang main headquarters ng Gyoumu Supermarket na may factory mula sa iba’t ibang bansa kaya mas mababa nila naiaalok ang mga produkto. Ang Gyoumu ay may mahigit na 700 wholesale supermarket sa buong Japan.

Ang supermarket na ito ay nag-aalok ng mga produktong “halal” o organic sa abot kaya ng bulsa. Dahil sa sobrang mura ng halaga ay hindi na nila kailangan pang gumamit ng pag-aanunsyo sa telebisyon o radyo. Word of mouth ang gamit ng may-ari ng bawat franchise.

Business hours: Mula 9:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. depende sa lokasyon

Yaoko

Ang Yaoko ay isang klase ng supermarket na may kainan sa loob. Para sa mga mamimili, isang advantage na kapag gustong kumain ng mga bagong lutong pagkain kapag napagod sa paggo-grocery ay hindi na nila kailangan pang lumabas para maghanap ng makakainan. Sa loob mismo ng grocery ay magagawa na nila ito at sa murang halaga. Bukod sa murang produkto na inaalok sa loob ng supermarket ay may mura rin silang kainan na siya namang kinalulugdan ng mga mamimili. Ang Yaoko ay makikita sa iba’t ibang lugar sa Japan at ang mga popular na lokasyon nito ay mga katabi ng istasyon ng tren.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: