Valentine’s Day Cookies
Sangkap:
Cookies
- 200g butter, room temperature
- ½ tasang asukal
- 1 egg
- 1 kutsaritang vanilla
- 1 tasang harina, salain
Frosting
- 200g butter, room temperature
- ¾ tasang icing sugar
- Pulang food color
- Candy sprinkles
Paraan:
- Paghaluin ang sangkap ng cookie hanggang makagawa ng dough.
- Ilagay ang dough sa baking pan at i-flat gamit ang kamay.
- Ilagay sa loob ng freezer sa loob ng 20 minuto o kung may ekstrang oras ay ilagay sa ref sa loob ng 1 oras.
- Kuhanin mula sa ref at hiwain ang dough gamit ang heart shape cookie cutter hanggang makagawa ng higit sa 1 dosenang piraso.
- I-bake sa 180C preheated oven sa loob ng 20-25 minuto o hanggang maging golden brown. Kapag naluto na ang cookies ay alisin mula sa oven at hayaang lumamig.
- Ilagay ang butter sa mixing bowl at i-mix ito gamit ang hand mixer hanggang ang butter ay maging creamy at saka unti-unting (1 kutsara) ihalo ang icing sugar at ihalo din ang pulang food color.
- Ipahid ang butter icing sa ibabaw ng cookies at i-sprinkle ang maliliit na heart shaped candy sprinkles sa ibabaw..
Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/