You are here
Home > Gourmet Galore > Valentine’s Day Cookies

Valentine’s Day Cookies

Sangkap:

Cookies

  • 200g butter, room temperature
  • ½ tasang asukal
  • 1 egg
  • 1 kutsaritang vanilla
  • 1 tasang harina, salain

Frosting

  • 200g butter, room temperature
  • ¾ tasang icing sugar
  • Pulang food color
  • Candy sprinkles
Paraan:
  1. Paghaluin ang sangkap ng cookie hanggang makagawa ng dough.
  2. Ilagay ang dough sa baking pan at i-flat gamit ang kamay.
  3. Ilagay sa loob ng freezer sa loob ng 20 minuto o kung may ekstrang oras ay ilagay sa ref sa loob ng 1 oras.
  4. Kuhanin mula sa ref at hiwain ang dough gamit ang heart shape cookie cutter hanggang makagawa ng higit sa 1 dosenang piraso.
  5. I-bake sa 180C preheated oven sa loob ng 20-25 minuto o hanggang maging golden brown. Kapag naluto na ang cookies ay alisin mula sa oven at hayaang lumamig.
  6. Ilagay ang butter sa mixing bowl at i-mix ito gamit ang hand mixer hanggang ang butter ay maging creamy at saka unti-unting (1 kutsara) ihalo ang icing sugar at ihalo din ang pulang food color.
  7. Ipahid ang butter icing sa ibabaw ng cookies at i-sprinkle ang maliliit na heart shaped candy sprinkles sa ibabaw.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: