Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Unang pagkakataon na magkakasama sina Jericho Rosales at Sam Milby sa isang serye

Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion & Sam Milby bida sa teleserye na “Love Will Lead You Back

Tampok ang apat sa mga tinitingalang artista ng henerasyon ngayon na sina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion, at Sam Milby sa isang kuwentong tungkol sa pag-ibig at buhay may-asawa at pamilya, sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na “Love will Lead You Back“.

Hindi ito katulad ng mga nakaraang palabas na ang hinahain ay ang pagtataksil. Sa amin naman ay paano ka mananatiling tapat o faithful sa partner mo. Makikita mo rin dito kung paano haharapin ng mga karakter namin ng kani-kanilang relasyon,” ani Rosales sa media announcement na naganap kamakailan.

Ilang serye na rin ang pinagbidahan ni Jericho, ang tinaguriaang Asian Drama King, at ang ilan dito ay ang “The Legal Wife” noong 2014, “Bridges of Love” noong 2015, at “Magpahanggang Wakas”.

Magsasama sa unang pagkakataon sa serye sina Rosales at Milby, habang reunion project naman na matuturing ito nina Sam Milby at ng direktor ng serye na si FM Reyes.

Sobrang excited na ako sa serye na ito kasi ‘Iyong unang kong teleserye na ‘Maging Sino Ka Man,’ si FM Reyes ang direktor. Ngayon, pagkatapos ng labing-dalawang taon, makakatrabaho ko ulit siya”, saad ni Milby. Bukod sa nabanggit ni Milby na serye, ilang proyekto na rin ang kaniyang pinagbidahan tulad ng “Huwag Ka Lang Mawawala” at “Doble Kara”.

Balik naman sa pagiging leading lady sina Yen Santos at Yam Concepcion na kapwa excited nang simulan ang proyekto. “Dati kasi pinanonood ko lang sila. Ngayon kasama ko na sina Echo at Sam”, pagbabahagi ni Concepcion.

Kuwento naman ni Concepcion, “Hindi katulad ng mga dating kong role na light lang, dito mas mature yung character at may asawa na ako dito”.

Unang natunghayan ang husay nina Yen at Yam sa magkahiwalay na proyekto. Si Santos ay nagbida noong 2011 sa serye na “Pure Love” at ngayon ay napapanood sa “Wildflower”. Samantala, si Concepcion naman ay bumida “Langit Lupa” noong 2016 at ngayon ay napapanood sa “FPJ’s Ang Probinsiyano”.

Kasama rin sa sa cast sina Allan Paule, Lotlot de Leon, Amy Austria, Cris Villanueva, Christian Bables, Hero Angeles, at Gab Lagman. Ang “Love Will Lead You Back” ay bubuuin ng production team sa ilalim ng business unit head na si Ruel Bayani.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *