Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Ube Pancake with Macapuno

Sangkap:
  • 1¼ tasang harina
  • 1 tasang kinudkod na ube
  • 1 kutsaritang baking soda
  • 2 kutrsaritang baking powder
  • 4 kutsarang pinong asukal (caster sugar)
  • ½ kutsaritang asin
  • 2 tasang (butter) buttermilk
  • 1 itlog, batihin nang konti
  • minatamis na macapuno
Paraan:
  1. Sa isang malaking mangkok o mixing bowl, paghaluin ang harina, baking soda, baking powder, caster sugar at asin.
  2. Ilagay ang buttermilk at itlog at haluing mabuti.
  3. Ihalo ang kinudkod na ube at haluin mabuti
  4. Sa isang non-stick pan, maglagay ng tamang dami ng mantika at ilagay ang pancake batter sa nais na laki ng pancake. Lutuin sa loob ng 3-4 minuto sa bawat side ng pancake.
  5. Pagkaluto ay hanguin at lagyan ng macapuno sa ibabaw at ihain.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *