Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Twitter at FB account para sa mga OFWs

Ang Overseas Workers and Welfare Administration(OWWA) ay gumawa ng kanilang social networking site upang ma-monitor ang sitwasyon at working status ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa. Ipinahayag ni OWWA Advocacy and Social Marketing Division head na si Reynaldo Tayag na bubuksan nila ang kanilang Twitter at Facebook account upang magkaroon ng mas magandang relasyon sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Layon nito ay upang malaman nila ang mga hinaing, suhestiyon at iba pang nais iparating ng bawat OFW sa pamahalaang Aquino. Dahil na rin sa ang mga social networking sites na ito ay popular at madaling magkaroon ng access, sa paraang ito makakatipid ang gobyerno ng pondo.

Alam nila na ang mga Pinoy na manggagawa sa abroad ay gumagamit ng iba’t ibang klase ng komunikasyon upang makausap angkani-kanilang mga pamilya abroad sa pamamagitan ng Facebook, Twitter at Skype kung kaya nila ito naisip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *