Home > Gourmet Galore > Tulapho

Tulapho

Hindi tulad ng Lechon Kawali o Bagnet, ito ay hindi na mangangailangan ng mantika dahil ito ay niluluto sa sariling mantika na mula sa taba nito. Ang susi dito ay gumamit ng baboy na mataba para mas maraming mantika ang lumabas.

Sangkap:
  • 1 kg fatty pork belly, hiwaing pakwadrado
  • 3 kutsarang sea salt
  • 1 kutsaritang paminta
  • 4 tasang tubig
Paraan:
  1. Magpakulo ng tubig sa isang malaking kawali.
  2. Ilagay ang mga sangkap at takpan at hayaang kumulo sa katamtamang init ng apoy hanggang ang baboy ay lumambot. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  3. Ituloy ang pagpapakulo hanggang maubos ang sabaw at mag-umpisang magmantika ang baboy. Ituloy hanggang magkulay golden brown at lumutong ng kaunti ang baboy.
  4. Alisin mula sa kawali ang baboy at ilagay sa paper towel upang maalis ang sobrang mantika. Ihain.

Leave a Reply

%d bloggers like this: