#Sweet Trip “Top Shops for Desserts”

Sa isang abala at progresibong bansa tulad ng Japan, kadalasan ang mga tao ay nakakaranas ng stress dulot ng trabaho. Isa sa mainam na paraan upang ito ay maibsan ay ang pagkain ng paboritong panghimagas dahil sabi nga, ang salitang “stressed” kapag binaliktad ay “desserts.”

Narito ang listahan ng limang dessert shops na maaaring subukan:
by Nomurice @Flickr

1. Sweets Paradise – Ito ay isang all-you-can-eat dessert restaurant kung saan ang costumer ay pwedeng kumain mula 70 hanggang 90 minuto, depende sa branch, sa halagang 1,530 yen. Sinasadya ang masarap na cakes at iba pang desserts dito ngunit mayroon din naman ibang pagkain tulad ng soup, pasta, salad, fried noodles at popcorn. Bagay din sa mainit na panahon ang refreshing drinks nila. Dapat din subukan ang kanilang roasted coffee. May branches ito sa Ikebukuro at Shibuya.

Website: http://www.sweets-paradise.jp

2. Bittersweet Buffet – Isa sa pinakapopular na branch ay matatagpuan sa 8th floor ng Lumine building sa Shinjuku. Mayroon ditong pizza, iba’t ibang klase ng karne, deli corner, grill corner at siyempre pa desserts tulad ng crepes, waffles at cakes. Nasa 1,800 yen per head ang presyo rito at maaaring kumain sa loob ng 90 minuto. May dinner deal din sila sa halagang 2,500 yen kung saan maaaring kumain sa loob ng dalawang oras. May branches din ito sa Lumine Ikebukuro at Lazona Kawasaki Plaza.

Website: http://pscoop.jp/bsb/index.html

3. Marble Lounge at The Hilton Tokyo – Mula almusal hanggang midnight snack ay tiyak na mae-enjoy ang masasarap na pagkain at inumin dito kabilang ang ipinagmamalaki nilang award-wining breakfast, lunch and afternoon dessert selections. Asahan na mas mahal ito kumpara sa ibang dessert buffet restaurants dahil din sa magandang view dito. Dinarayo ang dessert buffet nila dito na nag-iiba ang tema depende sa panahon. Ang regular breakfast buffet ay aabot ng 3,200 yen, lunch buffet sa 4,100 yen habang ang dinner buffet ay mula 5,000 hanggang 6,000 yen.

Website:
http://www3.hilton.com/en/hotels/japan/hilton-tokyo-TYOHITW/dining/marble-lounge.html

4. Fujiya – Isa ito sa pinakapaboritong confectioners sa buong Japan. Una itong itinayo sa Yokohama taong 1910 at hanggang ngayon ay tinatangkilik ng mga consumers dahil sa masarap at affordable cakes at cute na mascot na si Peko-chan. Sa ilang branches tulad ng sa Kinshicho ay mae-enjoy ang lahat ng paboritong cakes sa loob ng isang oras sa halagang 1,490 yen kasama na ang unlimited refills ng mga inumin.

Website: http://www.fujiya-fs.com

by: jpninfo.com

5. Aunt Stella’s Cookie Buffet – Kung cookies naman ang hilig, ito ang tamang lugar para sa’yo dahil sa kanilang all-you-can-eat cookie buffet sa halagang 880 yen sa loob ng isang oras. Isa sa mga branches na dinarayo ay matatagpuan sa Ikebukuro.

Leave a Reply

%d bloggers like this: