Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF SEPTEMBER 2017

Aries (March 21-April 19)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 3, 9, 27, 35, 39, 47
Bawat desisyong gagawin ay dapat pag-isipan bago ito isakatuparan. Tama man o mali ay dapat panindigan upang mapanatili ang antas ng iyong pagkatao. Iwasan ang mangako dahil malamang sa hindi ito matupad.

Taurus (April 20-May 20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 5, 9, 28, 33, 39, 42
Kung akala mong tama ka, basta hindi ikakasama ng sarili at kapwa ay ituloy. Ingatan ang bawat kilos at salita na maaaring ikasama ng loob ng kamag-anak kahit hindi mo alam na may nagawa ka o nasabing hindi tama.

Gemini (May 21-June 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 4, 17, 26, 32, 40, 48
Kung nasa gipit na kalagayan, maasahan ang tulong ng magulang, kamag-anak o kaibigan. Ngunit hangga’t makakaya ay dapat iwasan upang manatili ang respeto at pagtingin nila sa’yo. Ibuhos ang lahat ng nalalaman at makakaya upang hindi umasa sa iba.

Cancer (June 22-July 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 2, 7, 20, 29, 30, 45
Kung matamlay at hindi maganda ang pakiramdam, kumunsulta kaagad sa doktor upang hindi lumala. Kung maayos ang pakiramdam, makakabuti pa rin ang pagpapahinga ngunit kung may gawain, ituloy basta mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay.

Leo (July 23-August 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 1, 19, 26, 34, 40, 44
Kung may mahalagang bagay na lalakarin ay huwag nang ipagpabukas dahil mahalaga ang magiging resulta nito. Kung ikaw ay isang negosyante, magiging maganda ang takbo ng negosyo sa buwang ito. Ipagpatuloy lamang ang maayos na pamamalakad.

Virgo (August 23-September 22)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Neon Green
LUCKY NOS: 5, 8, 26, 33, 39, 42
May katuwiran sila kaya ang maganda ay tumahimik at hangga’t maaari ay humingi ng dispensa, paumanhin o patawad. Huwag sumagot nang pabalagbag kung ikaw ay pinapangaralan o sinusumbatan ng pagkakamali dahil hahantong ito sa hindi maganda.

Libra (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 3, 12, 28, 31, 40, 47
Pag-ibig ang dahilan kung kaya ka masigla. Tiyakin na alam ang buong pagkatao ng pinag-uukulan ng pag-ibig upang hindi magsisi. Walang masama kung titiyakin muna ang pagkatao ng iniibig dahil nakataya ang dignidad at pagkatao ng sarili.

Scorpio (October 24-November 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 2, 13, 19, 28, 34, 44
Alam mo kung hanggang saan ang iyong kaya. Huwag magmayabang dahil ang magiging resulta ay kahihiyan. Magiging madaldal ka ngayon, alalahanin ang kasabihan na “less talk, less mistake.”

Sagittarius (November 22-December 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 3, 18, 27, 36, 45, 48
Sa panahon ngayon ay hindi mo alam kung ano ang nasa iyong paligid. Ibayong ingat kapag lumalabas ng tahanan. Kung maaaring umiwas na lumabas o abutin ng gabi sa kalye ay mas mabuting gawin ito dahil kahit umiwas ka ay maraming masasamang loob na naglipana ang hindi namimili kung sino ang kanilang bibiktimahin. Ang tahanan ay ang pinakaligtas na lugar hangga’t maaari dumito ka sa buong araw kung wala rin namang importanteng pupuntahan.

Capricorn (December 22-January 19)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 4, 8, 13, 25, 31, 45
Kung haharapin ang problema at hahanapan agad ito ng solusyon ay mareresolba agad ito. Subalit kung ipagsasawalang-bahala at hahayaan lamang, kahit kailan walang solusyon na darating. Hindi dapat takasan o iwasan ang suliranin na dumarating sa atin. Laging tandaan, bawat problema ay may solusyon.

Aquarius (January 20-February 18)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 5, 13, 24, 34, 38, 46
Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Sa pag-ibig, upang huwag mapahamak walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang minamahal.

Pisces (February 19-March 20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 2, 7, 27, 33, 42, 48
Kahit anong bagay, kapag sobra, ang resulta ay hindi maganda. Ang sobra mong pag-ibig, pagmamahal at pagbibigay ay siyang magiging daan sa pag-abuso ng iyong karapatan at pagkatao. Ilagay sa tamang lugar ang lahat ng bagay na hindi kulang at hindi sobra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *