Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JUNE 2017

Aries (March 21-April 19)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Neon Green
LUCKY NOS: 3, 19, 35, 40

Ang sobrang katuwaan o kalungkutan ay magbibigay ng sakit kaya matutong magkontrol sa sarili. Ingatan ang kalusugan. Maaayos ang pananalapi at trabaho. Isang panauhin ang darating at may dalang positibong balita.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Old Rose
LUCKY NOS: 8, 14, 38, 41

Ilagay sa normal at huwag mag-overreact sa gawain, pagkilos at pananalita. Huwag patulan ang taong galit nang maiwasan ang gulo. Hindi likas sa ugali mo ang mapagpatol. Kung maiiwasan ang bagay na magdudulot ng kaguluhan o kalituhan ay mabuting manahimik.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Citrus Yellow
LUCKY NOS: 7, 8, 34, 36

Madali ka ngayon makakahanap ng magandang paraan para malusutan ang anumang balakid o hadlang sa iyong binabalak. Ituloy ang anumang gustong gawin at tiyak may magandang kalalabasan.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Fuschia
LUCKY NOS: 17, 25, 27, 31

Ang pakikihalubilo o pakikipagsosyalan ay maglalantad ng pagkakataong makakilala ng taong makakatulong sa iyo. Iwasan lang ang magyabang dahil mawawala ang tiwala ng kapwa kung ito ay matutuklasan.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 8, 18, 26, 41

Mag-ingat dahil may mga kasamahang interesado sa iyong posisyon o pwesto. May mga taong nais kang saksakin sa likod kaya maging maingat. Baguhin ang plano upang matiyak ang tagumpay.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 15, 19, 22, 41

Turuan nang tama o magalit dahil sa ginagawa ng iba, lahat naman tayo ay nagkakamali. Ibaling sa iba ang pansin kung may nakikitang mali sa kasama nang maiwasan ang magkomento. Hindi lahat ay pare-pareho na tumatanggap ng komento. Maaari nila itong masamain at ikaw pa ang malalagay sa alanganin.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 2, 10, 25, 32

Maginhawang maitatawid ang mga gawain dahil sa tulong ng mga kasamahan. Walang magiging suliranin, maliban sa pagbibigay ng tulong pannalapi sa isang kamag-anak na nangangailangan ng tulong.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 6, 18, 20, 26

Huwag pansinin ang mga tumututol sa kung anumang iyong balakin, dahil bunga lamang ito ng panibugho o inggit. Kung gusto mong umunlad, anumang plano ay isagawa na agad. Anumang suliranin ay malulutas kung ito ay pagtutuunan ng pansin.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Electric Blue
LUCKY NOS: 1, 9, 25, 37

Iwasang mag-komento o magsalita sa isang sitwasyong alam mong pag-uumpisahan ng gulo o hindi pagkakaunawaan. Mas mabuting hintayin na lang ang isang sorpresang matatanggap na siguradong ikalulugod mo.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 12, 14, 32, 35

Matutong magpatawad sa mga taong nagkasala sa iyo at ganun din ay matutong humingi ng paumanhin sa nagawan mo ng hindi tama. Ito ang magbibigay sa iyo ng panibagong simula upang kalimutan ang anumang bigat ng dibdib na iyong dala-dala sa iyong kalooban. Ito ang tamang panahon upang kalimutan ang mga kabiguan at sakit ng nakaraan.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Lime Green
LUCKY NOS: 3, 6, 13, 40

Walang magiging anumang balakid kaya maaari mo itong ituloy. Maging masinop sa pananalapi at iwasan ang magpautang kahit na sa iyong kagandahang loob dahil may posibilidad na hindi ito maibalik sa iyo.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: **
LUCK: *
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 8, 14, 19, 38
May hatid na sorpresa ang araw at walang katiyakan ang mangyayari. Mag-ingat sa paglabas ng tahanan dahil magiging malapit sa gulo, away o aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *