Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF DECEMBER 2017

Aries (March 21-April 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Blood Orange
LUCKY NOS: 8, 16, 32, 42
Madalas sinasabi ng matatanda, buksan mo ang mga mata mo at hindi ang bibig mo. Hindi mo makikita ang isang hinahanap kung sa tabi tabi ka nakatingin. Huwag gamitin ang bibig sa paghahanap at tanong ka nang tanong, gamitin ang mga mata upang makita ang hinahanap.

Taurus (April 20-May 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 2, 10, 25, 38
Huwag mong gawing bisyo ang pagpapabaya sa obligasyon. Minsan ay tama na, kung madalas , maaari itong magdulot ng hindi maganda. Maging masipag sa pagtatrabaho at isipin na dito nakasalalay ang iyong kinabukasan. Ang maglibang ay hindi masama kung gagamitin ang tamang oras para rito. Obligasyon muna bago maglibang.

Gemini (May 21-June 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Burgundy
LUCKY NOS: 9, 15, 23, 33
Makinig, magmasid at pag-aralang mabuti bago magbigay ng suhestiyon o opinyon. Huwag magpabigla-bigla dahil posibleng magkaroon ng mga pagkakamali. Mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo. Hindi mo alam kung sino ang kakampi o kalaban.

Cancer (June 22- July 22)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 4, 13, 33, 41
Ituloy ang gustong gawin dahil naghihintay ang tagumpay, maliban kung labag sa batas ng tao at Diyos. Huwag sayangin ang panahon sa hindi pagkilos sa binabalak. Maganda ang resulta ng gawain kung sisimulan kaagad. Wala kang mapapala kung ipagpapabukas ang dapat gawin ngayon.

Leo (July 23 August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 1,17, 29, 40
Tanging ikaw lamang ang makakatuklas sa tamang daan ng iyong tagumpay, kaya huwag mag-atubiling paglaanan ng panahon ang pagsasaliksik. Kung tiyak ang sarili sa gagawin, hindi malayong magtagumpay ka. Ngunit kung may duda, huwag ituloy dahil mabibigo ka.

Virgo (August 23 September 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Gray
LUCKY NOS: 7, 14, 31 ,40
Magiging matibay ang iyong pundasyon sa larangan ng trabaho, kung may magaganda kang mungkahi na ikagaganda at ikakaunlad ng negosyo. Ang iyong pananahimik ay nagbibigay ng impresyon na pagkamakasarili.

Libra (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 10, 15, 18, 38
Sikapin ang naalintanang mga gawain ay matapos bago sumapit ang hapon. Ang anumang maiwanang gawain ngayon ay magiging walang kabuluhan sa hinaharap. Ang kalusugan ay hindi magiging sagabal sa pagtupad ng tungkulin at obligasyon. Nasa sariling pagsisikap ang ikakaunlad.

Scorpio (October 24 November 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 7, 14, 31, 40
Magiging matibay ang iyong pundasyon sa larangan ng trabaho kung may magaganda kang mungkahi para sa ikakaunlad ng negosyo. Ang iyong pananahimik ay nagdudulot ng kahulugan na wala kang pakialam at makasarili. Dapat magising ka sa katotohanan.

Sagittarius (November 22 December 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 12, 19, 26, 27
Ang paghahanap ng bakanteng oras sa gawain ay hindi magbibigay ng tamlay sa sarili. Pagiging maagap sa lahat ng bagay ang nasa tamang landas ng tinatahak na kaunlaran. Ang pag-ibig ay siyang gabay sa pagsisikap.

Capricorn (December 22 January 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 8, 19, 21, 24
Maganda ang pagkakataon upang hanapin ang dekalidad na investment kaysa magmukmok at walang gawin. Ang talino ay malaking puhunan para sa ikauunlad kaya panahon na upang magamit sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tumututol, ituloy ang binabalak.

Aquarius (January 20 February 18)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 3, 16, 18, 38
Upang magtagumpay, magsaliksik ng mga detalye at i-ayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag mahiyang magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsasaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. May pagkakataon na sasalungat ka sa gusto ng iba at igiit ang sariling katuwiran.

Pisces (February 19 March 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 15, 28, 32, 39
Mayroon kang kasamahan na magiging mahigpit mong kakumpetisyon hindi lang sa trabaho kundi maging sa promosyon. Sa iyong pagpupunyagi, ang trabaho ay mabibiyayaan ng promosyon. May matatanggap na hindi inaasahang balita, isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong materyal o payo. Dahil ikaw ay likas na matulungin, ang kaibigan ay hindi pagdadamutan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *