Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF SEPTEMBER 2015

Aries (March 21-April 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 11, 19, 25, 34
Hindi likas sa iyo ang pagiging matulungin subalit may pagkakataon na nasa puso mo ang hangaring tumulong sa kapwa. Sikapin kung ano ang magagawang tulong sa problema ng kaibigan o kasambahay. Huwag maging maramot sa pagbibigay ng tulong kung may paraan. Darating ang panahon na siya naman o may ibang kaibigan ang makakatulong sa iyo.

Taurus (April 21-May 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Peach
LUCKY NOS: 17, 18, 23, 40
Ikaw ay isa sa mga taong likas na mahilig magtrabaho at kadalasa’y nakakalimutan na ang sariling kalusugan. May pagkakataong ang iyong katawan ay bibigay na rin. Huwag itong ipagwalang bahala. Bagkus ay pagtuunan ng oras at pansin. Magpahinga kung sa tingin ay hindi kaya ng katawan ang magtrabaho.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Light Green
LUCKY NOS:12, 29, 35, 37
Hindi umaayon ang panahon sa gustong mangyari. Hindi ka makapag-isip nang maayos sa hindi mo rin malamang dahilan. Kung may suliranin, huwag hayaan na hindi makapaghanap ng solusyon. Lahat ng problema ay may solusyon at yun ang dapat pagtuunan ng pansin.

Cancer (June 22-July 23)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: *
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 16, 24, 28, 43
Hindi dapat mag-alala kung may mga bagay na hindi pa natatapos. Dahil kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Ika nga ng iba, kapag ang trabaho ay minamadali, mas malamang na hindi maganda ang nagiging resulta.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 3, 8, 35, 42
Bihira ka nang magkaroon ng panahon sa iyong mahal sa buhay. Marapat lang na ito ay bigyang pansin. Malamang yayain kang mamasyal ng minamahal, kamag-anak o kaibigan. Kung magkakataon, masaya ang kahihinatnan ng pagsasama. Huwag lamang mapag-usapan ang selos dahil magiging daan ng hindi pagkakaunawaan.

Virgo (August 23-September 23)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Mint Green
LUCKY NOS: 19, 25, 36, 44
Maipapaliwanag sa kasamahan na hindi mo layuning ipahiya o saktan ang damdamin niya kundi nais mo lang itama ang kanyang pagkakamali, na kung hindi mo gagawin ay tiyak magpapasama sa inyong lahat. Kung sasabihin ito ng maayos, asahan na mauunawaan ka niya.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 9, 18, 27, 39
Hindi maiiwasan na mapaiyak sa mangyayaring hindi kanais-nais. Walang masama kung umiyak dahil sa panghihina ng kalooban. Ang pag-iyak ay magbibigay ng kaluwagan sa sumisikip na dibdib.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: *
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Tangerine
LUCKY NOS: 9, 17, 27, 43
Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak na mahal ka pa rin sa kabila ng mga pagkukulang mo. Huwag lamang ang sobrang abuso dahil hindi sa lahat ng panahon ay mauunawaan ka. Magpasalamat na hindi pa siya sumuko sa iyong ugali.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Emerald Green
LUCKY NOS: 7, 18, 33, 40
Walang nakakaunawa sa nais mong mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa at tiwala. Isang kaibigan na kahit naguguluhan sa iyo ay hindi ka iiwan sa ere. Mananatili siyang nakaalalay sa iyo.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 16, 17, 32, 45
Ihanda ang sarili na makinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin na hindi ka madadala sa problema nito dahil wala kang magagawang tulong kapag nagkataon. Huwag ipagkait ang iyong tulong sa nangangailangan.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 1, 8, 22, 37
Unahin ang higit na mahahalagang bagay. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang manaig ang kasalukuyang depresyon dahil wala kang magagawa. May solusyon sa problema kung ito ay iyong pagtutuunan kaagad ng pansin.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: *
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 8, 18, 27, 39
Piliting magpasensya kahit pikon na pikon ka na. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang galit. Tiyak na makapagsasalita ng hindi maganda at makakasakit ng damdamin ng iba kung hindi makakapagpigil. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *