Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF MAY 2018

Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Silver
LUCKY NOS: 3, 27, 30, 34, 41, at 48
Huwag tanggihan ang imbitasyon sa pag-aabroad. Maaaring ito ang paraan upang ikaw ay umunlad. Magpahalaga sa gawain ng iba. Huwag maging mapagmando sa kasama sa bahay, baka ito ay pagmulan ng hindi pagkakaunawaan.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 7, 17, 28, 34, 41 at 44
Hindi dapat madaliin ang pagyaman. Sa unti-unting pag-iipon ay uunlad din ang kabuhayan at sasagana ito. Kailangang ang pamilya ay magtulong-tulong at ang pagsisikap ay maghahatid sa inyong kaluwagan sa buhay.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Tangerine
LUCKY NOS: 5, 18, 28, 33, 45, at 49
Makakatawag ng swerte ang iyong pagiging kakaiba. Suriing mabuti ang sarili at bigyang halaga ang payo ng nakapaligid sa iyo. Iwasan ang mangako dahil hindi mo ito matutupad. Maging maingat sa kilos at pananalita upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 2, 11, 23, 29, 33, at 42
Tuluy-tuloy ang darating na swerte at magandang kapalaran. Maging sa pag-ibig at pangkabuhayan. Pakinggan ang kutob ng kalooban. Lawakan ang pang-unawa. Huwag bigyan ng puwang ang lungkot dahil sa pag-ibig.

Leo (July 23 – August 22)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 3, 18, 27, 34, 40 at 47
Mababawasan ang stress at ang init ng ulo, kung magre-relax ka. Kapag na-refresh na ang pakiramdam, sunod-sunod na ring darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Isang kamag-anak ang matutulungan.

Virgo (August 23 – September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 1, 10, 19, 28, 40 at 46
Lalong uunlad ang kabuhayan, aalis ka muna sa iyong private zone. Sa pakikipagsapalaran, mas malaking tagumpay ang makakamit. May ilang kasamahan ang maghahanap ng iyong atensiyon at pang-unawa. Magiging masaya ang romansa.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 9, 18, 27, 33, 42 at 47
Iwasan ang kumain ng labis dahil hindi ito makakabuti sa iyong kalusugan. Ang sipag at tiyaga ay magdudulot ng kasaganaan sa buhay. Ang konsentrasyon ay dapat gawin para makamit ang minimithi. Magiging maswerte sa pag-ibig at pananalapi, lalo na sa negosyo.

Scorpio (October 24 – November 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 4, 13, 24, 34, 40 at 45
Wag maglalamang sa pakikisalamuha sa kapwa, sa mabuting asal mas gamitin, uunlad at papalarin ka. Tandaan mong lagi ang iyong dalawang layunin: “Maligayang relasyon at masaganang buhay.” Sikapin na maging masaya sa kabila ng suliranin. Huwag magpadala sa sulsol ng mga kasamahan o kaibigan.

Sagittarius (November 22 -December 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 3, 9, 15, 24, 33, at 48
Huwag ipilit ang bagay na mahirap tanggapin para sa nakakarami. Ang maging malihim sa tawag ng pagkakataon. Ang naging suliranin sa nakaraan ay may kalutasan ngayon. Iwasang mag-init ang ulo para hindi masira ang iyong araw.

Capricorn (December 22 – January 19)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 4, 13, 22, 31, 40 at 49
Huwag magpa-apekto sa nangyayaring hindi maganda sa iyong paligid. Maging matatag at ituloy mo lang ang iyong layunin. Ang maging mahinahon at pagpaparaya ay sadyang tawag ng pagkakataon. Iwasan ang usaping negosyo at pera dahil tiyak walang patutunguhan.

Aquarius (January 20 – February 18)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Gray
LUCKY NOS: 4, 8, 23, 32, 38 at 45
Unti-unti mong mare-realize na wala palang kabuluhan ang pera kung wala sa iyong nagmamahal. Ang hindi paglimot sa pagdarasal ay magdudulot ng magandang kapalaran. Kailangan mo ng matibay na paninindigan at pagpapasya. Matutong manalig sa sariling kakayahan at pagdedesisyon.

Pisces (February 19 – March 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 7, 16, 25, 39, 40 at 43
Anumang hamon ang dumating, makakasilip ka ng malikhaing solusyon sa iyong problema. Nasa trabaho ang pag-asa para maging masagana ang buhay. Alagaan mabuti ang kasalukuyang trabaho. Iwasan ang mainggit sa kapwa para hindi danasin ang maghirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *