Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF MAY 2017

Aries (March 21-April 19)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Yellow

LUCKY NOS: 6, 13, 27, 35, 42, 48

  Sariling pagpapasya ang gamitin upang maging mas maunlad ang takbo ng buhay.  Huwag dumepende sa iba o magpapaimpluwensiya. Sa pag-ibig, maging masikap para umunlad ang inyong relasyon. Kung ano ang pinapangarap, ito ay isaloob at huwag ikwento sa iba upang hindi masabihang mayabang. Bawat tao ay may pangarap na umunlad at huwag matakot dahil suportado ng iyong pamilya ang bawat mong pangarapin.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Tangerine

LUCKY NOS: 7, 19, 25, 34, 43, 47

    Huwag maghangad ng labis dahil mas masarap at mas payapa ang isip kung simple ang pamumuhay at may masayang pamilya. Hingin ang opinyon nang higit na nakakaalam dahil nasa pagitan ka ng tama at mali. Duda ka sa sarili kung ano ang dapat gawin. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Green

LUCKY NOS: 8, 17, 26, 33, 40, 44

   Iwasang mangutang, sapagkat mas mainam pa rin ang simpleng pamumuhay ng walang luho sa katawan, kesa naman dahil sa kayabangan baon sa utang ang buong pamilya. May pagkakataon na makakasagupa ka ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyayari, pairalin ang pasensya upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Lilac Pink

LUCKY NOS: 7, 16, 25, 32, 41, 45

            Sa pinansyal, kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, huwag palampasin ang oportunidad. Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit ang nanlalamig na kasuyo. Sariling diskarte mo ang iyong asahan dahil wala kang makukuhang suporta mula sa nakakataas sa iyo.  Kung ikaw ay nagbabalak maglahad ng reklamo ay isaloob na muna para iwas gulo.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ****

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Lime Green

LUCKY NOS: 1, 9, 19, 27, 35, 48

  Ngayon na ang panahon upang magpakasipag. Ibigay ang best sa anumang ginagawa. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang utang ay mahal ka pa rin niya. Kung positibo ang isip o iisipin, hindi magkakamali sa mga gawain lalo na kung may pagdedesisyunan. Malamang isang Pisces ang makakapagbigay ng kasiyahan.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Monday

LUCKY COLOR: Canary Yellow

LUCKY NOS: 7, 18, 24, 33, 38, 49

              May malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa panahong ito isagawa na ang naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, sa tulong ng karelasyon, mas madali kang uunlad at liligaya. Maging totoo, prangka at tapat. Disiplina sa sarili ang dapat na taglayin sa bawat salita, kilos at gawa.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Beige

LUCKY NOS: 7, 16, 22, 34, 43, 49

   Sa panahong ito ng tag-araw, habang gumaganda ang pasok ng pera, laging alalahaning magtipid at mag-ipon. Sa pag-ibig, may isang taong may lihim sa iyong pagnanasa, mag-ingat.  Kung ikaw ay nananaginip, kabaliktaran ang mangyayari. Ingatan ang kalusugan at huwag magpagod. Iwasan ang sugal dahil hindi ka naman suwerte rito.

Scorpio (October 24 -November 21)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: White

LUCKY NOS: 2, 17, 26, 33, 39, 45

      Sabihin sa kasuyo na huwag makihalo o makialam sa anumang transakyon mo dahil baka hindi ito matuloy. Magandang gantimpala ang matatanggap sa mga nakagawa ng kabutihan. Sa nakagawa ng kasamaan, masama ang matatamo dahil oras ng paniningil at pagbabayad sa ginagawa, kasamaan man o kabutihan.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Saturday

HI-VIBE DAY: Wednesday

LUCKY COLOR: Lavender

LUCKY NOS: 7, 18, 23, 28, 32, 44

      Malabong magtagumpay kapag kung anu-ano ang laman ng isipan. Konsentrasyon ang pag-ibayuhin upang gumanda at umunlad ang buhay. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyo. Lahat ng transakyon ay mas mabuting gawin nang mas maaga para matapos agad.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Powder Blue

LUCKY NOS: 1, 10, 28, 34, 36, 43

              Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain lagi ang mga kausap. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, mauuwi lamang ito sa hindi pagkakaunawaan. Kung matamlay o hindi maganda ang nararamdaman, ipahinga ito. Magandang balita kung walang karamdaman dahil maraming positibong bagay ang magagampanan.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Tuesday

LUCKY COLOR: Violet

LUCKY NOS: 1, 9, 19, 27, 35, 48

    Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng mga pagkukulang ay hindi ka niya iniiwan. Laging magdasal at magpapasalamat upang patuloy na dumating ang grasya at mga pagpapala. Aksyon kaagad sa suliranin dahil kung hahayaan ay hahantong sa matinding  problema. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataon na darating dahil hindi na ito babalik.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Sunday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Jade Green

LUCKY NOS: 6, 15, 21, 36, 42, 48

   Hindi masamang magpakabait pero masamang magpauto. Huwag magpapadala sa matamis na salita. Sa pag-ibig, laging purihin ang kasuyo upang lalo pa siyang ganahan. Panahon ng pagbabago sa masamang ugali para matamo ang paggalang at respeto ng kapwa. Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa at kung babaguhin ngayon, may swerteng darating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *