STARSCOPE FOR THE MONTH OF MARCH 2017
Aries – (March 21-April 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 5, 16, 24, 39
Maaaring maganda ang pakiramdam sa hangad na makakawala sa impluwensya ng nakakairitang tao, subalit magiging komplikado ang situwasyon. Ang pinakamainam ay ituloy ang isang planong matagal mo nang gustong gawin. Maging maliit man ang maging resulta ng pinagpaguran ay magiging masaya ang iyong pakiramdam.
Taurus – (April 20-May 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 10, 23, 40, 41
Hindi ka sanay sa mga alitan o maging sumali sa alitan. Upang maiwasan ang ganitong mangyayari ay sumunod ka sa agos ng mga kasamahan kung ayaw magkaroon ng kaaway. Kahit labag sa kalooban, sundin ang gusto ng magulang dahil hangad nila ang iyong kabutihan at walang magulang na may hangad na kasamaan sa anak. Magsisisi ka kung ang iyong gusto ang susundin.
Gemini – (May 21-June 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Blue Indigo
LUCKY NOS: 14, 24, 36, 40
Maging matatag at matapang na harapin ang kung anuman konsikuwensiyang haharapin upang mapanindigan ang kapakanan kapag ipinahayag ang iyong panig. Ipaglaban kung inaakalang ikaw ay nasa tama at katwiran. Hindi nakakabawas sa pagkatao kapag humingi ng dispensa kung inaakalang nagkamali.
Cancer – (June 22- July 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 15, 26, 35, 41
Malaki ang magiging impluwensiya at kakayahan sa komunikasyon. May pagkakataon na maibahagi ang iyong magandang plano o saloobin sa iba. Maaaring makapagbigay ng magandang suhestiyon o mungkahi sa mahalagang isyu.
Leo – (July 23 – August 22)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 18, 25, 35, 38
Bagaman maganda ang samahan sa trabaho, huwag magtiwala dahil may nagmamanman sa iyo. Ayusin ang pagganap sa tungkulin upang walang mapuna na magbibigay ng bad record. Alalahanin ang inggit ng kapwa ay hindi maiaalis sa paligid mo ngayon.
Virgo – (August 23 – September 22)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 7, 9, 38, 40
Ang kaganapan sa paligid ay maaaring makaistorbo sa mahalagang iniisip o trabaho. Huminto sa ginagawa at bigyan ng kaunting panahon ang nasa paligid dahil malamang ang sagot sa problema ay mula sa kapaligiran. Ang positibong pakikitungo at pakikisalamuha sa ibang tao ay may hatid na tamang sagot sa suliranin.
Libra – (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Aqua Blue
LUCKY NOS: 5, 37, 41, 42
Kung hangad na mapangalagaan ang kapakanan, alamin at pag-aralan muna ang mga detalye bago pumalaot o magdesisyon. Huwag maging marahas. Praktikal na paraan ang gamitin kung gustong maging tama ang desisyon.
Scorpio – (October 24 – November 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 4, 15, 30, 33
Maging maingat sa kalusugan. Ehersisyo, tamang diyeta at disiplina sa sarili ang kailangan upang mapanatili ang kalusugan. Kung matamlay o hindi maganda ang pakiramdam, huwag hayaan na hindi magpa-check-up para hindi lumala. Kalusugan ang puhunan sa pagbuno nang araw-araw na hanap-buhay.
Sagittarius – (November 22 – December 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 10, 33, 40, 41
Hindi makukuha sa pagdarasal lamang ang nais kung hindi magbabanat ng buto. Kung gustong umangat ang antas ng buhay, magsikap, magtiyaga at manalangin. Ang namamahay na pagkatamad ay mabilis na maiwawaksi kung buo ang puso para sa hangarin sa buhay. Hindi ikaw ang klase ng tao na magiging tamad sa mahabang panahon. Naghahanap ka lamang ng pagkakataon.
Capricorn – (December 22 – January 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 7, 27, 28, 38
Ang matino at tamang desisyon sa pag-iingat ng pera ay iyong kailangan para hindi kapusin. Paghusayan ang pagba-budget sa mga gastusin. Iwasan ang pagbili ng mga gamit na hindi gaanong kailangan. May darating na pagkakagastusan na hindi maiiwasan kaya maging matipid.
Aquarius – (January 20 – February 18)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Red Ruby
LUCKY NOS: 5, 9, 18, 23
Kapag ikaw ay may nasimulan ng gawain ay huwag ito itigil at maguumpisa na naman ng isa pang gawain. Tapusin ang naumpisahan na at saka isunod ang isa pa. Ihanda ang sarili sa anumang problema na maaaring dumating. Tiyakin na nasa maayos at nabibigyang halaga ang mga bagay dahil maaaring malayo o mawala ng hindi inaasahan.
Pisces – (February 19 – March 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 7, 28, 35, 38
Hind masama ang magkaroon ng kaibigan o kabarkada subalit huwag mo ring pababayaan ang responsibilidad bilang isang estudyante. Ito ay para sa iyong kinabukasan. Ang mga kabarkada ay nandyan lang at hindi mawawala subalit ang pagkakataon magkaroon ng sapat na edukasyon ay hindi dapat palagpasin. Kapag ikaw ay nagka-edad na at hindi nakatapos ay maaari mo tong pagsisihan subalit huli na. Hangga’t maaga pa ay ayusin ang buhay upang maging maunlad sa kinabukasan. Huwag padala sa pansamantalang kaligayahan.