Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JUNE 2015

ARIES (Marso 21-Abril 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 13, 22, 35, 39

Maganda at magaan dalhin ang buwan na ito para sa’yo. Madaling pakitunguhan ang mga tao. Mapapagtibay ang relasyon sa loob at labas ng tahanan. Iwasan ang maging mapusok. Bagong pag-ibig ang makakapagpagulo sa isip at kalooban.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 22, 39, 40, 42

Ang iba ay magdudulot ng kaligayahan pero iwasan ang labis na gastusin. Mahalaga ang magplano sa gustong simulan. Makakatulong ang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo ang isip sa paggawa ng tungkulin.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 9, 14, 32, 33

Taglayin ang maging mahinahon at maunawain dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at madaling mag-init ang ulo. Huwag magpabigla-bigla. Pairalin ang mahabang pasensya. Iwasan ang mangako.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 11, 22, 33, 40

Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Ihanda ang sarili at may makikilala na baka maging bahagi ng iyong buhay. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Neon Green
LUCKY NOS: 15, 30, 40, 41

Sa kahit na anong pagkakataon, sa buhay ng isang tao ay hindi maiiwasan ang magkamali. Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga kamaliang nagawa ay malamang maulit. May kaunlaran na matatamo kung positibo ang nasa isip.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 20, 25, 33, 34

Nasa magandang pakiramdam ang katawan para tapusin ang lahat ng trabahong nakaatang. Isang tawag mula sa mahal ang makadaragdag ng kaligayahan at kasiyahan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 6, 19, 25, 37

Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang-halaga ang kalusugan. Ayusin kaagad at huwag ipagsawalang-bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 8, 24, 34, 38

Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap para pakinggan. Makukumbinsi ang kahit makulit o makitid ang isip. Matutuklasan ang ibig malaman tungkol sa trabaho o pag-ibig.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Electric BLue
LUCKY NOS: 17, 26, 30, 42
Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ang dapat desisyunan ay pag-isipan muna ang kahinatnan bago pumalaot. Kung mag-a-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 11, 29, 39, 41

Ang munting suliranin sa minamahal ay hindi dapat dalhin hanggang sa trabaho. Isang lihim ang hindi inaasahang matuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung mag-alinlangan.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 18, 27, 36, 40

Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 2, 17, 23, 40

Maging maluwag sa kalooban na tanggapin kung nagkamali, mahalaga ang magtiyaga. Lilipas ang kaguluhan ng isip kung maglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna nang mabuti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *