STARSCOPE FOR THE MONTH OF JUNE 2014
Aries (March 21-April 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Burgundy
LUCKY NOS: 6, 28, 30, 35
Kung ano ang nais ay huwag magpa-dalus-dalos dahil maaaring ikasira ng sarili. Iwasan maging sakit na ulo ng kapwa dahil ito ang magiing dahilan upang sila ay mainis ang mga taong nakapaligid sa’yo. Maging maingat sa salita at kilos.
Taurus (April 21-May 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 5, 15, 27, 42
Likas sa iyo ang pagiging mapagpakumbaba. HIndi mo kailangang magmayabang para lamang mapansin. Hayaan ang sino mang nagpapakita ng paghanga sa karamihan. Iwasan ang pumutok ang butsi sa ginagawa ng iba.
Gemini (May 22-June 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Charcoal Gray
LUCKY NOS: 2, 8, 14, 27
Ang paglalakbay ay makakatulong ng malaki upang magbago ang takbo ng iyog kapalaran. Sa paraang ito, ang anumang sakit na nararamdaman sa iyong kaibuturan ay mapapawi. Huwag padaig sa kalungkutan, bagkus ito ay labanan.
Cancer (June 22-July 23)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 10, 22, 40, 44
Hayaan na maging malaya sa anumang gawain ng minamahal. Ang pagpaparaya ay hindi pagbabalewala kundi pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Ang kapalit ng pagtitiwala ay walang hanggang kaligayahan.
Leo (July 24-August 22)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Turquoise Blue
LUCKY NOS: 15, 24, 38, 41
Huwag maging magastos kahit may pera dahil isa sa mga araw ay tiyak na may pagkakagastusan na mahalagang bagay. Mabuti nang laging may nakatagong pera sakaling kailangan dahil may magagamit.
Virgo (August 23-September 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Bloody Orange
LUCKY NOS: 8, 10, 20, 35
Hayaan na maramdaman ang sarap ng tagumpay na malamang ngayon matatamo. Unti-unti ay makikilala ka sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman.
Libra (September 24-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 8, 24, 33, 42
Huwag gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali kung mahalagang bagay ang kasangkot. Ano mang desisyon ang ginawa ay dapat panindigan dahil ito ang magbibigay ng pagbabago sa buhay.
Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Auld Rose
LUCKY NOS: 7, 12, 26, 32
Maaaring ang dalawang mangingibig ay magtatanong kung sino nga ba ang iyong pipiliin. Maaari ang kasintahan ay magyaya ng pakasal. Tiyakin na ang pasiya ay ginamitan ng tamang pag-iisip at bukal sa damdamin.
Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Red Orange
LUCKY NOS: 8, 19, 26, 35
HIndi magandang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o pag-ibig. Ano man ang balita, huwag hayaang maka-apekto sa sarili. Mabibigyan ng solusyon ang anumang suliranin dahil nasa tabi lamang ang solusyon.
Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: ****
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Lime Green
LUCKY NOS: 10, 25, 29, 37
May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro sa nais malaman, kausapin ng masinsinan ang sinisinta nang maliwanagan. Ang respesto, komunikasyon ang solidong nagbubungkos sa dalawang taong nagmamahalan.
Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Olive Green
LUCKY NOS: 3, 11, 25, 40
Ang maging mapabigay at maalalahanin ang tanging paraan para mapalapit sa damdamin ng lihim na minamahal. Kung may suliranin sa pag-ibig, makakahanap ng tamang paraan na matugunan kung pagsisikapan.
Pisces (February 20-March 20)
LOVE: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 9, 12, 23, 36
Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para matiyak na maging maganda ang impresyon ng kapwa. Baguhin ang masamang ugali para makuha ang atensiyon ng kapwa. Iwasan ang magyabang dahil ang balik ay kahihiyan.