Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JANUARY 2017

2017 RED ROOSTER: A PERFECT YEAR FOR VIRGO

Ang 2017 ay taon ng Rooster Fire. Matapang, matatag at higit sa lahat handang lumaban. Kung ang Year of the Monkey ay mainit na mga argumento ang hatid, ngayong taon naman ay determinasyon, katatagan at karapatan ng bawat isa ang magiging sentro.

Dahil ang Rooster ay simbolo ng pagpapamilya, maraming kabataan na maagang papasukin ito. Taon rin ng pangingibang-bansa. Mag-ingat sa mga sakit sa balat. Magiging maganda rin ang pag-uumpisa ng panahon sa pag-iipon. Panatilihin ang maagang paggising at maagap na pagkilos. Mga suwerteng kulay: gold, yellow, orange at brown. Ingatan ang parte ng south, southwest at northeast. Maglagay ng 12 brown eggs sa lamesa sa New Year’s Eve.

Rat (Sagittarius) 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020, 2032

Lucky Color: Red, blue, white

Lucky No: 2, 8, 9

Lucky Direction: North, northeast, northwest

Lucky Month: Abril, Agosto, Oktubre

Gamitin ang charisma. Maganda rin pairalin ang pakikinig kaysa sa pakikipagtalo. Sa trabaho, ipagpaliban muna kung hindi naman kailangan. Sa salapi, hindi magandang ikaw ang lagi ang taya. Sa lovelife, magkakaroon ng karelasyon na mas bata sayo. Sa kalusugan, iwasan ang sunud-sunod na pag inom, pagpupuyat at pagbibisyo.

Ox (Capricorn) 1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021, 2033

Lucky Color: Green blue, wine red

Lucky Month: Marso, Mayo, Setyembre

Lucky Direction: South, southeast, east

Lucky No: 7, 5, 3

Iwasan ang pagiging bugnutin at pabaya at siguradong marami kang aanihin. Huwag magmamadali upang hindi ma-stress. Sa lovelife, maganda ang taong ito upang magkaroon ng panibagong magpapatibok sa pihikang puso. Iwasan ang pagiging pusong mamon upang hindi maging mahina ang pangangatawan. Huwag maging matampuhin o maramdamin at palaisip.

Tiger (Aquarius) 1902, 1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022, 2034, 2046, 2058, 2070

Lucky Color: Black, blue indigo, green

Lucky Month: Pebrero, Hunyo, Disyembre

Lucky No: 3, 7, 9

Lucky Direction: South, west, southwest

Unti-unting maibabalik ang sigla ng isip at katawan. Sa love life, kung naging malulungkutin, naging mapaghanap at medyo iritable sa pakikipagrelasyon sa nakaraaang taon o totally loveless, makakapag-move on ka this year and be prepared on your new romance. Sa health, iwasan ang pagiging nerbyosa at palaisip. Iwasan rin ang bisyo ng sobrang sigarilyo at sobrang inom ng mga liquors. Pumasyal sa maraming fresh air na lugar at maraming puno o batis.

Rabbit: (Pisces) 1903, 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023, 2035, 2047, 2059, 2071

Lucky Color: Red, pink, purple, blue

Lucky No: 7, 6, 3, 4

Lucky Directions: East, south, northwest

Lucky Month: Enero, Abril, Agosto, Nobyembre

Matutong makisama at maki-cooperate para lalong mailabas ang potential mo. Sa career, medyo bumuwelta para mailagay sa kamay ang tagumpay. Mabuti rin panatilihin ang trabaho sa ngayon. Panatilihin ang magandang relasyon sa pamilya at mga kaibigan upang lalong maging maganda ang flow ng money. Be romantic sa iyong minamahal. Sa mga wala pang nakukuhang ka-partner, huwag magmadali, darating din ang right guy for you.

Dragon (Aries) 1904, 1916, 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024, 2036, 2048, 2060, 2072

Lucky Color: Gold, silver, grayish white

Lucky No: 7, 6, 5

Lucky Direction: East, north, west

Lucky Month: Marso, Abril, Hulyo

Sa buhay, mas lalo niyang madaling makukuha ang mga gusto at pangarap sa taong ito kaya’t hikayatin ang sarili paniwalaan na kaya ang mga gawain at gamitin ang matinding determinasyon upang maisakatuparan ang mga plano sa buhay. Sa love life, dadami ang mga admirer. Sa health, kailangan ng maraming oras ng tulog at exercise dahil may tendency tumaba. Maraming magagandang chances na darating sayo sa taong 2017.

Snake (Taurus) 1905, 1917, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, 2025, 2037, 2049, 2061, 2073

Lucky No: 2, 7, 9

Lucky Direction: Northeast, north, east

Lucky Month: Abril, Mayo, Hulyo

Lucky Color: Blue, purple, green

Magiging matatag ang kabuhayan at magiging matagumpay ang pakikipagsapalaran sa taon. Sa career, magiging maganda ang daloy. Iwasan ang mga dark color dressses or clothes. Magsuot ng mga attractive color upang mas maging maganda ang aura. Sa love life, ingatan ang ma-involve sa mas bata sayo. Isipin muna ang sariling obligasyon bago ang iba. Sa trabaho, ingatan ang iyong posisyon mas idoble ang pagsisikap upang maipagpatuloy at mapanatili ang taas ng posisyon.

Horse (Gemini) 1906, 1918, 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014, 2026, 2038, 2050, 2062, 2074

Lucky Direction: Northeast, northwest, southwest

Lucky Color: Blue , orange, red

Lucky No: 7, 9, 5

Lucky Month: Abril, Setyembre, Disyembre

May mga job offers na galing sa malalayong lugar o pangingibang-bansa. Sa salapi, madaling mababayaran ang mga credit and bills. Sa love life, huwag masyadong maging agresibo dahil ang taon ng rooster ay may pagkakonserbatibo pagdating sa relasyon. Sa kalusugan, magandang panatilihin ang pagkakaroon ng exercise. Sa mga couple na nagpaplano ng pagpapamilya magandang ihanda sa mga kalagitnaan ng taon o katapusan upang magkaroon ng baby sa 2018 Year ng Wood Dog na magpapabago lalo ng kanilang lakas at swerte sa buhay.

Sheep (Cancer) 1907, 1919, 1931, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015, 2027, 2039, 2051, 2063, 2075

Lucky Direction: South, southeast, east

Lucky Color: Green, red, yellow

Lucky No: 5, 3, 2

Sa career, maraming changes sayo ang taong ito. Subalit mapapanatili ang katatagan. Sa mga katrabaho, may mga aalis subalit mabilis naman ang panibagong pagpalit. Sa wealth, maraming maaani. Maganda rin ipagpatuloy ang mga plano at magagandang istratehiya at magandang pamamalakad sa pamumuhay at hanapbuhay. Sa love life, magiging makabuluhan pa rin ang relasyon sa taong ito. Sa health, iwasan ang matinding pag-isip dahil may matinding paninikip ng dibdib o paghina ng resistensya.

Monkey (Leo) 1908, 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016, 2028, 2040, 2052, 2064, 2076

Lucky Color: Yellow, beige, green

Lucky No: 9, 3, 8

Lucky Direction: East, west, south

Lucky Month: Agosto, Nobyembre

Pangalagaan ang tahanan upang hindi magkasakit ng asthma, allergy at skin disorder. Sa salapi, mag-start maglagay ng pera sa bangko. Maraming oras na mamalagi sa labas ng tahanan kaya’t matutong mag-manage ng time. Sa mga katrabaho, naniniwala sila sa lakas mo kaya’t maaaring marami silang ipapamahalang gawain na magiging dahilan ng pagdami ng gawain. Sa kabuuan, magiging isang napakagandang taon sayo ang 2017 Red Rooster dahil sa mga malalaking pagbabagong magaganap.

Rooster (Virgo) 1909, 1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, 2029, 2041, 2053, 2065, 2077

Lucky No: 5, 7, 8

Lucky Direction: South, southeast, west

Lucky Color: Gold, orange, brown, yellow

Lucky Month: Pebrero, Mayo, Nobyembre

Mababalanse mo ang lahat ng bagay na napagdaanan. Mas magiging maingat sa pakikisama sa iyong kapaligiran na magdudulot ng pagpapahalaga nila sa iyong kapuri-puring gawain at potential. Sa salapi, magiging maganda ang daloy nito sa pagpasok ng kalahati ng taon. Magiging maayos ang lahat ng gawain at mithiin sa tong ito kung mapapabuti ang kondisyon lalo ng kalusugan.

Dog (Libra) 1910, 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018, 2030, 2042, 2054, 2066, 2078

Lucky Color: Green, red, purple

Lucky Direction: Northeast, east, south

Lucky No: 1, 7, 8, 9

Lucky Month: Hunyo, Oktubre, Disyembre

Marami kang igugugol na oras sa pamilya at mga taong nangangailangan ng iyong lakas at suporta. Sa relasyon, mag-ingat sa relasyong mas bata ang edad sayo dahil maaaring magdulot ng kapaguran sa iyong damdamin. Sa financial, may lakas kang makapag-ipon. Mababalanse ang love life. May mga bagong project na maaaring konektado sa ibang bansa, pakaisipin ito at pag-aralan. Magiging maganda ang kabuuan ng taon ng red rooster.

Pig (Scorpio) 1911, 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, 2031, 2043, 2055, 2067, 2079

Lucky Color: Yellow, gray, brown, gold

Lucky No: 2, 5, 8

Lucky Direction: East, south, southeast

Lucky Month: Pebrero, Hulyo, Oktubre, Nobyembre

Makakaranas ka ng kalmanteng enerhiya na maikakapahinga ng iyong isipan at damdamin. Sa pamilya, maaasahan mo lalo ang malaki nilang suporta na lalo mo namang ikatutuwa at ikasisigla. Iwasan lang ang mga nanghihikayat sayo na sumalí sa grupo nila na hindi mo naman binabalak maaaring mapasubo ka dito. Very fruitful ang taon. Be grateful.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *