Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH JULY 2013

Aries (March 21-April 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 5, 19, 22, 41
Kadalasan, ang init ng ulo ay walang magandang pinatutunguhan. Maging mahinahon at mapagpasensya kung may hindi pagkakaunawaan, na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o sa kasambahay. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasan ang makapagsalita ng ikasasakit ng damdamin ng kapwa.

Taurus (April 21-May 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Lavender
LUCKY NOS: 1, 9, 29, 40
Nasa magandang pakikipag-usap upang maresolba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay iyong kasalanan. Hanapin ang paraan para maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahal kung ayaw ng broken home o maging broken hearted.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 6, 15, 26, 41
Marami ang nakakapuna sa pagbago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte o katanyagan dahil mababawi kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba, alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap.

Cancer (June 22-July 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 8, 10, 16, 33
Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon, huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Pangalagaan ang kalusugan. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 7, 20, 37, 39
Maganda ang iyong personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo na sa humahanga sa iyo. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban para maiwasan ang mapahamak. Sa pag-ibig ang may lihim na humahanga sa iyo at malamang magtapat ng saloobin.

Virgo (August 23-September 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 24, 27, 43, 39
Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna ng maraming ulit bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin walang dahilan para patagalin.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 8, 13, 25, 36
Huwag asahan na sasagutin ka ng nililigawan dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 8, 26, 36, 42
Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal para hindi mauwi sa walang imikan nang matagal. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagwawalang-imik.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 17, 24, 31, 38
Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresolba, malaki ang pasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang problema pero walang maaasahang tulong mula sa iba.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Magenta
LUCKY NOS: 16, 27, 35, 41
Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan, bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili na walang dahilan para tumanggi, tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Fuchsia
LUCKY NOS: 6, 25, 38, 42
Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema. Dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon, alalahanin na laging nakasuporta ang minamahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang gusto.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 2, 4, 33, 41
Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon, huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katwiran ng kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *