Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF SEPTEMBER

Aries (March 21-April 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Peach
LUCKY NOS.: 4, 17, 29, 38
Maganda ang buwan na ito para sa pananalapi. Marami kang gustong gawin na pagbabago sa negosyo. Simulan ang anumang binabalak dahil magbubunga ito ng magandang resulta. Lalago pa ang iyong hanapbuhay.

Taurus (April 21-May 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Tangerine
LUCKY NOS.: 9, 13, 23, 45
Gusto mong gumawa ng desisyon ngunit hindi mo mapagpasyahan ang tamang gagawin. May perang darating na magagamit mo sa pamimili o pambayad ng utang. Gamitin ng tama para hindi masayang.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Electric Blue
LUCKY NOS.: 2, 20, 26, 37
Huwag mapikon sa mga biro dahil gusto ka lang nilang mapasaya. Maglaan ng oras para sa regular na pag-eehersisyo. May darating na problema pero malulutas din ito.

Cancer (June 22-July 23)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Ivory
LUCKY NOS.: 4, 7, 23, 39
Pakinggan ang kutob sa buwang ito at siguradong hindi ka magkakamali. Babansagan ka ng marami ngayon na suwerte sa pag-ibig at hanapbuhay. Samantalahin ang magandang pagkakataon at huwag sayangin.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Emerald Green
LUCKY NOS.: 5, 11, 26, 37
Pipiliin mo munang mapag-isa. Mga isyung may kinalaman sa pamilya ay hindi mawawala sa iyong isipan. Pipilitin mong maglaan ng oras para mapag-usapan ng pamilya ang ilang problema na pantahanan.

Virgo (August 23-September 23)
LOVE: ****
LUCK: *****
MONEY: *****
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS.: 2, 9, 27, 38
Isang inaasahang panauhin ang darating at ang hatid niya ay magandang balita tungkol sa inaaplayan mong permit para makapagnegosyo. Hindi malayo ang katuparan sa hinahangad. Makikita ang bunga ng pinagpaguran.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Dark Gray
LUCKY NOS.: 3, 15, 21, 35
Kung nais magtagal sa trabaho, maging palakaibigan at makisama ng tapat. Isang matapat na kaibigan ang makakatulong sa iyong problema. Huwag mag-alintalang magsalita.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS.: 4, 23, 30, 42
Nasa mababa kang kalagayan ngayon pero hindi ka pa rin sumusuko sa pakikipagsapalaran. Sa likod ng bawat kabiguan na iyong mararanasan ay ibayong tatag ng loob ang maidudulot nito sa iyo.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS.: 2, 19, 28, 40
Mag-e-enjoy sa pakikipag-usap sa mga kapitbahay kung pawang mabubuting bagay ang pag-uusapan. Iwasan ang pakikinig sa mga tsismis na pawang kasiraan ng ibang tao ang binabanggit.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS.: 4, 17, 30, 36
Ang mga nakaraang karanasan ay nakakatulong sa iyo para maging mas matalino ka ngayon. Maingat ka ngayon sa pagdedesisyon na may kinalaman sa pag-ibig.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Red Orange
LUCKY NOS.: 5, 15, 27, 36
Bigyang pansin ang kalusugan. Mainam na araw ito para sa paglilibang kasama ang pamilya. May ilang magpapayo na magbibigay sa iyo ng saya.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS.: 2, 14, 22, 34
Kung intensyon mo ang mag-ipon ng pera, simulan na ngayon. May mga oras na magiging moody ka sa araw na ito. Mainam ang gabi para makipagsosyalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *