Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Spring Flower Fair

UPDATED LAST FEBRUARY 28, 2019

Popular na spring pastime sa Japan ang pagpunta sa mga spring flower fair para sa nakakamanghang flower display viewing na isinasagawa ng mga lokal at dayuhang turista. Bukod sa cherry blossoms o sakura na siyang sumisimbolo sa panahon ng tagsibol, nariyan din ang mga naggagandahang bulaklak na moss pink, azalea, wisteria, tulips at marami pang iba na hindi dapat palampasin.

Narito ang ilang lugar na magandang pasyalan para sa natatanging spring flower fair:

1. Fuji Shibazakura – Mula Abril 13 hanggang Mayo 26 ay gaganapin ang “Fuji Shibazakura Festival” na magbibigay ng kaakit-akit na kulay puti, pula, lila at rosas sa nakakamanghang tanawin ng Mt. Fuji. Bawat bulaklak ay lumalaki hanggang sa 1.5 sentimetro. Mapupuno ng pitong uri ng shibazakura (lawn cherry) o moss phlox na karaniwang tumutubo sa Hilagang Amerika ang 2.4 ektarya ng lupain dito: ang McDaniel’s Cushion, Mont Blanc, Autumn Rose, Tama-no-Nagare, Oakington Blue-Eyes, Giant Rose at Scarlet Frame.

by FUJI KYUKO CO.,LTD

Entrance Fee: 600 yen – adult; 250 yen – children

Access: Approximately two hours from Shinjuku to Kawaguchiko Station by JR Chuo Line or Fujikyuko Line. From Kawaguchiko Station, 30 minutes by Shibazakura Liner bus.

Website: http://www.shibazakura.jp/eng/

2. Hitachi Seaside Park – Ang Hitachi Seaside Park ay matatagpuan sa gilid ng Pacific Ocean ng baybayin ng Japan, at isinasama ang isang natatanging likas na kapaligiran ng sand dunes, kagubatan, damuhan at bukal. May kabuuang 350 ektarya, kung saan ang 200 ektarya ay bukas sa publiko, ang malawak na parke ay nagsisilbing tahanan ng mga iba’t ibang uri ng bulaklak at damo kabilang ang 4.5 milyong Nemophila Harmony (baby blue eyes) mula kalagitnaan ng Abril hanggang unang bahagi ng Mayo.

Nemophila flowers field at Hitachi Seaside Park

Entrance Fee: 410 yen – adult; 80 yen – children

Access: From Tokyo and Gunma, take the JR Joban Line at Ueno Station, get off at Katsuta Station, take the Hitachinaka Seaside Railway, Minato Line then get off at Ajigaura Station. Exit at the South Entrance, 20-minute walk to Hitachi Seaside Park.

Website: http://en.hitachikaihin.jp

3. Mother Farm, Minami-Boso – Matatagpuan sa Mt. Kano-zan sa Chiba at matatanaw ang mga bundok ng Boso-hanto Peninsula pati na rin ang Tokyo Bay. Isa sa mga popular na seasonal features nito ay ang Rape blossoms na masisilayan mula Pebrero hanggang Abril.

Mother Farm, Minami-Boso

Entrance Fee: 1,500 yen – adult; 800 yen – children

Access: 25-minute ride by bus from JR Sanukimachi Station (Mother Farm)

Website: http://www.motherfarm.co.jp.e.acb.hp.transer.com

4. Shiga, Biwako – Ipinagmamalaki ng Shiga Prefecture na matatagpuan sa pinakasentro ng Japan ang pinakamalaking lawa nito, ang Lake Biwa. Bukod sa humigit-kumulang sa 1,000 cherry blossoms na namumulaklak dito tuwing Abril ay ipinagmamalaki rin nito ang daffodil-covered hills nito, isa sa pinakamalaki sa Kansai region, tuwing buwan ng Mayo.

Shiga Biwako

Access: JR Kosei Line Shiga Station 10 min. by bus; Approx. 10 min. on the Biwako Valley bound bus

Website: http://www.biwako-valley.com/en/summer-season-activity/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *