Home > Miscellaneous > Simbang Gabi: Simula ng Pagdiriwang ng Pasko

Simbang Gabi: Simula ng Pagdiriwang ng Pasko

Disyembre 16 ang opisyal na simula ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas kung saan karamihan sa mahigit sa 80 porsyento ng mga katoliko sa bansa ay dumadalo sa simbang gabi o misa de gallo sa loob ng siyam na araw hanggang Disyembre 24 na bahagi na ng kaugalian at tradisyong Pilipino.

Paniwala nila na kapag nakumpleto ang pagsisimba sa loob ng siyam na araw bilang pasasalamat at paghahanda sa pagsilang ni Hesukristo ay matutupad ang kanilang mga kahilingan.

Hindi nila alintana ang paggising ng madaling araw at ang napakalamig na simoy ng hangin para makadalo sa misa. Mga tradisyunal na pagkain tulad ng puto bumbong at bibingka na katambal ng mainit na tsokolate, kape o salabat, makukulay na Christmas lights, belen at mga parol ang makikita sa paligid.

Sinasabing nagsimula ang tradisyon ng simbang gabi sa Pilipinas noong ika-18 siglo sa pamamagitan ng mga Kastila bilang pasasalamat sa masaganang ani at paghahanda sa pagsilang ni Hesukristo.

Dito sa Japan, may mga simbang gabi rin na isinasagawa sa mga simbahang katoliko tulad ng Meguro (St. Anselm) Catholic Church sa Tokyo na dinadaluhan ng daan-daang mananampalatayang Pilipino. Pagkatapos ng misa ay pinagsasaluhan nila ang tradisyunal na pagkaing inihahanda tuwing Pasko tulad ng arroz caldo, suman, pan de sal, queso de bola, hamon, kape at salabat na donasyon ng iba’t ibang FilCom groups at pribadong kumpanya. Habang ang mga donasyon na malilikom sa misa ay inihahandog naman sa mapipiling benepisyaryo.

Ngayong taon ay muling ino-organisa ng Embahada ng Pilipinas sa pakikipatgtulungan ng Philippine Assistance Group (PAG) at Filipino Community sa Japan ang “2017 Simbang Gabi sa Meguro” na gaganapin mula Disyembre 15 hanggang 23.

Bukod sa Meguro Catholic Church, narito pa ang listahan ng mga simbahang katoliko sa Tokyo at kalapit na lugar. Maaari ring tumawag sa kanilang tanggapan para sa schedule ng simbang gabi.

1. Tajimi Catholic Church
Address: 38 Midorigaoka, Tajimi, Gifu Prefecture 507-0021
Contact Number: 081-572- 22-1583
Dec 24th 1:00pm – EN
Dec 25th 10am – JP

2. Matsudo Catholic Church
Address: 1126 Matsudo, Chiba Prefecture 271-0092
Contact Number: 047-362- 3516
Dec 24th 8:30am – JP/EN, 2:00pm – TAG, 8:30pm – JP/EN

3. Toshima Catholic Church
Address: 1-28- 22 Nagasaki, Toshima-ku, Tokyo 171-0051
Contact Number: 03-3957- 2540
Dec 24th 11:30am – EN, 6:30pm – Christmas Carol
Dec 25th 11:30am – EN

4. Kichijoji Catholic Church
Address: 1-7-8 Gotenyama, Musashino, Tokyo 180-0005
Contact Number: 0422-44- 0181
Dec 24th 10:00pm – JP
Dec 25th 4:00pm – EN

5. Umeda Catholic Church
Address: 7-19-22 Umeda, Adachi, Tokyo 123-0851
Contact Number: 03-3880-4718
Dec 24th 8:00pm – JP/EN
Dec 25th 11:00am – JP

6. Kobe Chuo Catholic Church
Address: 1-28-7 Nakayamatedori, Chuo Ward, Kobe, Hyogo Prefecture 650-0004
Contact Number: 078-221-4682
Dec 24th 7:00pm – JP/EN
Dec 25th 10:00am – JP/EN

7. Catholic Yonago Church
Address: 76 Higashikurayoshimachi, Yonago, Tottori Prefecture 683-0815
Contact Number: (0859)22-6340
Dec 3rd 12:30pm – TAG/EN *Christmas Mass and Party
Dec 24th 7:00pm – JP/EN

Leave a Reply

%d bloggers like this: