Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

SHORTCUT – a film by Donie Ordiales

Si Ms. Ruby Moreno ang gumanap bilang Erlinda sa “Short Cut” isang single Filipina mother na nakatira sa Japan na may tatlong trabaho para matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak sa Hairstyling school, pang-araw-araw na gastusin at gastos sa gamutan ng kanyang ina na may sakit sa Pilipinas. Nagtatrabaho siya bilang isang manggagawa at taga-linis. Tuwing gabi, nagtatrabaho rin siya bilang hostess sa isang maliit na Philippine pub kung saan tutol ang kanyang anak na si Sayaka Hori sa papel na Yumi-20 taong gulang.

Si Mitsuhiro Shirai (sa papel na Kazuo) ay suki ni Erlinda sa pub. Linggu-linggo ay inililibre siya nito sa date. Isang umaga, nang hindi sinasadya ay nakita ni Yumi sa bag ng kanyang ina ang mga hotel amenities kaya nagtaka at naghinala siya kung ano ang ginagawa ng kanyang ina tuwing gabi. Dahil siya ay nababahala, nagpasya na siyang kausapin ang kanyang ina para maliwanagan hanggang sa natuklasan niya ang katotohanan tungkol kay Erlinda na nakapagpabago sa image ng kanyang ina. Maraming Pilipina ang makakarelate sa istoryang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *