Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Foto File

September 2017 Readers’ Corner

Ano ang Pinaka Masayang Nangyari sa Inyo sa Japan?

EFREN GATCHALIAN

– Nang magbakasyon kami ng 12 Days ng mga anak ko sa Tokyo few years ago. Roppongi is hot and traveling to Mt Fuji, Hakone, Ichibarra, Anime Museum and watching Sumo Wrestling Tournament were awesome. May mga lugar na pinag iiwanan ng mga tao ng bisikleta at walang nagnanakaw. I wonder why they are the best place to live anywhere.

ELMER JORDAN

– Ang pinakamagandang nangyari sa akin sa japan ay nang marating ko ang Mt. Fuji. Napakagandang tanawin na kahit summer ay may yelo siya. Isa pa ang kahabaan ng Akihabara ng araw ng Linggo. Marami kang mabibiling makabagong electronic at appliances. Inaasahan kong makabalik akong muli sa Japan sa susunod na panahon.

 

EMMA KUMAGAI

– Nang makulong ako sa Immigration kasi marami akong nakasama na iba’t ibang lahi. Ang saya saya.

ESPERANZA TUANG MURANO

– Ang pinakamasayang nangyari sa akin ditto sa Japan ay ang mapabilang sa organizations, makasalamuha ang kababayan. Napatawa at napaiyak ko sila.

IRENE UEDA

– I was so blessed ng makarating ako s Japan. A dream come true para sa akin ang makapunta sa Japan. Lahat ng pangarap ko para sa pamilya ko ay natupad at naging mas blessed pa ako ng makilala ko ang ama ng aking mga anak at magkaroon ng mga anak na mababait na at maganda pa. ‘Yan ang painakamasayang nangyari sa buhay ko bukod sa materyal na bagay. Nihon Arigatou subarashii kuni!! Thanks God!!

JENIFER JUNIO

– Ilan sa mga magagandang nangyari sa akin sa Japan ay nang makapunta ako sa Disneyland, Minato Mirai, sa mga magagandang temples sa Kyoto and Tokyo na sa magazine ko lang dati nakikita, makita si Hachiko, makakaakyat ng Mt. Fuji, makaexperience ng shinkansen. At higit sa lahat naexperience ko ang sakura at nakakita ng panda at bear. I love Japan!!!

LEINA SAKI

– When I gave birth to my daughter! After that, every day was as bright as the the day she was born!

MAJAH YAMASHITA

– Napasaya ko family ko halos lahat sila nakuha ko . Anak at kamag-anak. Nakapagpundar sa Pinas dahil sa Japan. Sabay sabay kaming uunlad. Salamat Japan.

MARI NIHEI

– Ang magkaroon ng pamilya sa Japan at matagumpayan ang sushi bar and restaurant at mapabilang sa mga artist sa Japan TV at magkaroon ng maraming kaibigan.

RAMONA OHASHI

– The happiest experienced I’ve ever had was marrying my husband, have a very beautiful daughter and made a name as a singer in the world of Jazz here in Japan.

REMY ALCANTARA

– Ang masayang nangyari sa amin sa Japan ay yung mga nagpupunta kami sa iba’t ibang lugar ng Japan especially yung nag-onsen. Nakakarelax at nakakapag-unwind kami with my family. Japan is a nice place.

VICKY OLIVAN

– Halos lahat ng napuntahan ko ay super nag-enjoy ako. The best yung nag cruise ship kami sa Yokohama habang tinitignan ang mga cherry blossoms. Ininvite din ako ng aking Japanese friend sa kanilang company outing. Ang babait nila at halos lahat marunong mag English pero di ako nagpatalo nakipagusap din ako ng Nihongo at magaling daw ako hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *