You are here
Home > Travel > I SCREAM FOR ICE CREAM!!!

I SCREAM FOR ICE CREAM!!!

Summer is officially here in Japan, which means it’s time to eat our favorite ice cream. Marami ang kuntento na sa pagkain ng simpleng chocolate o vanilla ice cream flavor. Pero para sa mas masarap na ice cream experience ay aming nilista ang ilan sa mga uri ng ice cream na dapat ninyong subukan.

Ngunit bago ito, paano nga ba nagsimula ang kasaysayan ng ice cream na ngayon ay paboritong pampalamig ng lahat tuwing summer season.

Ayon sa mga tala, unang nagkaroon ng ice cream sa ancient Persia 2,500 taon na ang nakakalipas kung saan ang sweetened water na nilagyan ng yelo ay dinurog sa maliliit na piraso at dinekorasyunan ng malasang toppings at mga prutas. Nakarating ito sa Greek at Roman empires kung saan ang mga mayayaman ang nagpondo sa produksyon nito. Tumigil ang produksyon nito nang bumagsak ang Roman empire at muli lamang nagkaroon noong Renaissance Italy.

Noong ika-13 hanggang 14 na siglo ay kumalat ang ice cream sa buong Europa kung saan nakaisip ng bagong recipe para rito. Naipakilala ito ng Italian noblewoman na si Catherine de’Medici na nagtungo sa France para pakasalan si Duke de Orleans noong 1533.

Nagsimulang ibenta ng mga vendors sa France, England at North America ang ice cream ngunit nagkaroon ng problema sa refrigeration na nasolusyunan lamang noong 1926 dahil sa pagdating ng mga electrical freezers. Matapos ang WWII ay lumago ang industriya ng ice cream na ngayon ay ine-enjoy ng marami ang iba’t ibang flavors nito gamit ang artificial ingredients sa murang halaga.

Shirokuma shave ice – Popular ito sa Kagoshima Prefecture kung saan ang topping ay condensed milk. Tinawag itong “shirokuma” o polar bear dahil nagmumukha itong ganito dahil sa prutas na inilalagay sa ibabaw nito. Naiiba ang lasa ng kombinasyon ng matamis na kondensada at maasim-asim na lasa ng mga prutas na inilalagay dito.

Mabibili ito sa maraming lugar sa prepektura ngunit masasabi na nagmula ito sa Tenmonkan Mujaki. Maaaring makabili nito sa 5-8 Sennichi-cho, Kagoshima-shi, Kagoshima-ken sa halagang mula 500-800 yen.

(http://mujyaki.co.jp/ )

Photo courtesy of Shindo Reika

Babahera ice cream – Sa Akita Prefecture ay makikita ang mga kababaihan na nagtitinda ng babahera ice cream sa daan habang nasisilungan ng beach umbrella. Ang “baba” ay nangangahulugan na matandang babae na nag-scoop ng ice cream gamit ang “hera” o spatula na tila rosas kapag nilagay na sa apa. Maihahalintulad ito lasa nito sa sherbet at mabibili mula sa halagang 200 yen.

(http://babahera.net/index.html )

Photo courtesy of Sakura shokuhin

Corn shaped ice monaka – Ang itsura nito ay parang tunay na mais kung saan kapag kinain ay matitikman ang matcha, azuki o vanilla flavor filling. Isa sa popular na brand nito ay gawa ng Lotte at mabibili sa mga convenience stores sa halagang hindi aabot sa 130 yen.

Photo courtesy of Cafe Frangi Pani

Ice Cornet – Ito ay popular na Japanese hot-cold dessert na gawa sa malutong at mainit na tinapay na nilagyan ng frozen ice cream sa ibabaw na may iba’t ibang flavor: vanilla, vanilla and chocolate, mango, green apple, blueberry at raspberry.

Nagsimula ito nang isang ina na nagngangalang Yukari Mukai ang hindi makabili ng meryenda para sa kanyang anak. Gumawa siya ng recipe tulad ng ice cream sa apa na naging popular sa mga bata. Taong 2006 nang itatag niya ang sariling kumpanya na naging popular sa buong bansa. Dahil sa kasikatan ay makakabili nito sa iba’t ibang shopping malls sa bansa sa halagang 480 yen.

( https://tabelog.com/tokyo/A1307/A130701/13012612/)

Photo courtesy of Nishikiya

Kamatama udon – Popular sa Kagawa Prefecture ang kamatama ice cream ay hinulma sa korte ng udon noodles at lasang luya. Subukan ang ice cream version nito na nilagyan pa ng chopped green onions. Sa halagang 350 yen ay matitikman ang kakaibang sarap nito. Mabibili ito sa Konpiras soybean Honpo ng Kagawa Pref.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: