Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sarciadong Isda, Ampalaya at Tausi

Sangkap:

  • 2 pirasong malaking mackerel, hiwaing 1½ kapal ang bawat piraso
  • 1 malaking ampalaya
  • 3 kutsarang tausi
  • 2 tasang tubig
  • 1 large kamatis, hiwaing maliit
  • 2 itlog, batihin
  • spring onions, hiwaing maliit
  • patis
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • asin
  • paminta
  • mantika

Paraan:

  1. Hiwain ang ampalaya pahaba. Alisin ang buto sa pamamagitan ng pagkayod gamit ang kutsara at hilamusan ng asin ang buong ampalaya para maalis ang pait nito. Itabi habang piniprito ang isda.
  2. Lasahan ng asin at paminta ang isda.
  3. Ihanda ang kawali at lagyan ng mantika. Painitin ang mantika at kapag mainit na ay ilagay ang isda at iprito hanggang magkulay brown o maluto hanggang loob. Alisin ang isda mula sa kawali at itabi.
  4. Hugasan mabuti ang amplaya para maalis ang asin, hiwain nang manipis at hugasan muli. Patuyuin at itabi.
  5. Gamit ang pinagprituhan, alisan ng 2-3 kutsarang mantika ang kawali at saka igisa ang bawang at sibuyas.
  6. Idagdag ang kamatis at iluto sa mababang init ng apoy hanggang lumabot ang iginigisa.
  7. Ihalo ang amplaya at igisa ng ilang minuto at lagyan ng tubig at pakuluin na walang takip at idagdag ang tausi, durugin ang tausi habang nilalagay ito sa kawali.
  8. Ihalo ang piniritong isda at ituloy ang pagpapakulo sa mataas ng init ng apoy sa loob ng karagdagang 3 minuto.
  9. Lasahan ng patis at paminta.
  10. Dahan-dahan ilagay ang itlog at haluin.
  11. Ilagay ang spring onions sa ibabaw at ihain na may kasamang mainit na kanin.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *