Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Richard Gutierrez On Denials and Admission

Richard & Sarah

Mga bata pa lang sila ng kanyang kakambal na si Raymond ay kinagiliwan na sila ng husto dahil sa sobrang cute at bibo.  At syempre isa sa factor ay pagiging anak nina Eddie Gutierez na super guwapo noong kabataan niya at habulin ng chicks kung kaya naman aminado ang maybahay nitong si Anabelle Rama na bantay sarado niya si Eddie dahil sa lapitin diumano ito ng mga babae.  Siyang tunay dahil nang lumaki ang kambal na Richard at Raymond at nag-concenrate sa showbiz ay maraming kababaihan ang nahumaling dito lalo na si Richard.  May mga naging girlfriend siya na nasa showbiz at non-showbiz din.  Naging most sought bachelor, ika nga, si Richard at nagig malihim sa kanyang lovelife.  Maraming na-link at pero walang itinanggi o pinatotohanan si Richard.

Noong nakaraang taon, marami na ang naghinala na si Richard at ang nakasama nito sa isang teleserye sa GMA 7 na si Sarah Lahbati ay naging sobrang close sa isa’t isa at malaunan ay hindi na nila itinanggi ang kanilang pagtatangi sa isa’t isa.  Pero ang ikinabigla ng lahat ay nang hindi na tapusin ni Sarah ang kanyang kontrata sa GMA 7 at bigla lumipad patungong Switzerland kung saan naka-base ang mga magulang.  Ang rason ni Sarah ay upang mag-aral muli.  Breach of Contract ang demanda ng GMA 7 sa kanya subalit hindi ito nakapigil kay Sarah upang gawin ang gusto.  Umalis pa rin ng bansa at ipinagpatuloy diumano ang pag-aaral.  Sa mga katanungang bakit biglang umalis si Sarah ay natuon kay Richard Gutierrez ang spotlight.  Tinatanong siya kung ano nga ba ang dahilan ng biglaang paglisan ng kasintahan.  Sa showbiz, kapag ang isang dalaga lalo na sa kasagsagan ng paimbulog nitong career ay biglang mawawala, magbabakasyon o mag-aaral ay may mabiga na dahilan.  Dito na umugong ang balitang buntis ang dalaga at si Richard ang ama.

Sa unang pagkakataon na inamin na ni Richard Gutierrez ang tunay na estado ng relasyon nila ni Sarah Lahbati.
Ikinuwento ni Richard na nag-umpisa sa set ng nagwakas nang teleserye nila sa GMA-7, ang Makapiling Kang Muli, ang relasyon nila ng 19-year-old actress. Hindi na nakakagulat ang pag-amin ni Richard dahil open ito sa nararamdaman niya para kay Sarah.

Marami ang kinilig na followers ni Richard sa Instagram post nito nang magpunta sila ni Sarah sa Le Grand Bornand, France. “I wandered everywhere through cities and countries wide, I realized now that I’m happiest just here by your side,” ang mga katagang ginamit nito na ikinakilig ng kanyang mga tagahanga. “The whole experience was talagang memorable.“Sakto na kasama ko si Sarah. Naging enjoyable yung trip namin dahil happy kami na magkasama,” pagtatapat ni Chard.
“I realized it’s good also to be open and mas mahirap pala kapag itinatago. Puwede naman pala din na maging masaya,” lahad pa ni Richard.

Habang nagtatagal ay hindi tumigil ang ugong ng pagdadalantao ni Sarah at kinukulit ng mga reporter si Richard subalit wala silang nakuhang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa aktor at kampo nito na lalong ikinahinala ng mga reporter na magkakaroon na ng anak sina Richard at Sarah.
Hanggang sa isang newsfeed mula sa isang mapagkakatiwalaang source ang naglabas ng balitang isinilang na raw ng dating Kapuso talent na si Sarah Lahbati ang anak nila ng kapwa niya dati ring Kapuso artist na si Richard Gutierrez sa Europa nung bandang katapusan ng Abril.

Ayon pa sa source, larawan ng sanggol na lalaki na pinangalanan na Zion ang ipinadala sa pamilya Gutierrez mahigit tatlong buwan na ang nakalilipas, nung nasa kainitan ng pangangampanya si Annabelle Rama, ina ni Richard, para sa pagka-Kongresista ng Cebu.
Sa kanilang mga naunang interbyu tungkol dito ay parehong pinabulaanan nina Sarah at Richard ang balita.  Nang bumalik sa Pilipinas si Sarah noong Hulyo, upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya ni Atty. Gozon-Abrogar, ay tumanggi siyang sagutin ang tanong tungkol sa balitang nagbuntis siya at nanganak na.
Sabi ni Sarah, “As I said, I’d rather not comment on things that are not related sa case.”

Sa kabilang banda, sa mga miyembro ng pamilya Gutierrez na nasa showbiz, nagkakaisa silang si Richard ang pinakapribado sa kanilang lahat.
Kaya naman sabi ng kakambal ng aktor na si Raymond, si Richard ang una niyang kinausap para sa gagawin nilang family reality show na It Takes Guts To Be A Gutierrez.
Hindi raw naging ganun kahirap para makumbinsi at pumayag si Richard.
Sabi ng dating Kapuso star, “Napag-isip-isip ko rin na, bakit hindi? “I think it’s gonna be a good show for the audience.”

Opisyal na inanunsiyo ng pamilya Gutierrez ang kanilang reality show, It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E-Channel.  Ayon kay Richard, hindi sila nag-aalala na mapanood ng mga tao ang pangkarinawang araw ng kanilang pamilya.

Sabi niya, “Wala namang itinatago ang family namin. We just work hard for the family.

“Typical Filipino family kami—nandiyan ang mom ko, nandiyan ang dad ko, nandiyan ang mga kapatid ko.

“So, maganda rin na makita ng mga Pilipino yung dynamics ng family namin, how we are sa loob ng bahay.

“I think it’s also exciting for the audience.”

Bukod sa mga magulang at kapatid, inaasahan din na makikita sa naturang show ang girlfriend ni Richard na si Sarah Lahbati.

“Of course, kung ise-share ko ang buhay ko sa harapan ng camera, kailangan mai-share ko yung buong buhay ko.

“Yes, of course, Sarah is part of my life. “I’m not saying that she’s gonna be part of the show the whole time, but sa show, once in a while, expect that,” saad ni Richard.

Hindi naglaon ay inamin na ng mag-inang Richard at Anabelle Rama ang pagiging ama nito sa isinilang ni Sarah Lahbati na si baby Zion. Iginiit ng mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez na hindi sila kailanman nag-deny tungkol sa pagbubuntis at panganganak ng girlfriend ng aktor na si Sarah Lahbati.

Hindi na rin nagulat ang karamihan dahil napakatagal na nga naman ang isyu at kahit hindi diumano nila aminin ay alam na ng mga ito ang katotohanan.   Ang sabi pa nga ng iba ay sadya diumano nilang itinago at sabihin sa takdang panahon upang gamitin diumano ang bata para makakuha ng mataas na rating ang kanilang reality show.

Anyway,  naging masaya na ang lahat sa paglabas ng sobrang cute na batang Zion at ngayon ay halos ipangalandakan na nila sa apat na sulok ng showbiz ang larawan ng anak.  Naging star-studded din ang binyagan ng bata na karamihan ng mga guests at nasa alta sosyedad, pulitiko at mga sikat na artista.

Maraming nakasaksi sa pagiging bibo ni Zion at ngayon pa lang ay nakikita na kanya ang pagiging isang Gutierrez!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *