Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Reunion movie nina John Lloyd at Sarah, patok

Ang muling pagtatambal nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ay laging inaabangan ng kani-kanilang mga tagahanga. Ang huli nilang pagsasama sa big screen ay noong 2013 sa “It Takes a Man and Woman.” Ang bagong titulo ng kanilang pelikula na “Finally Found Someone.” Tuwang-tuwa ang kanilang mga tagahanga sa reunion movie nila. Hindi ito sequel ng mga naunang pelikulang pinagtambalan ng dalawa. Kumbaga, ito ay bago at fresh na istorya sa direksyon ni Theodore Boborol.

Totally different story na po ito. Totally different characters, hindi na ‘to si Laida at si Miggy, so at the same time, gusto rin namin hulihin ‘yung Sarah-John Lloyd na tandem,” paglalahad ng aktres.

Ipinagmamalaki ni Sarah sa istorya ng pelikula dahil mas lalo itong pinaganda para mabigyan ng justice sa character nina Aprilyn at Raffy na siyang ginagampanan nina Sarah at John Lloyd dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *