Red Velvet Cupcake

Red Velvet Cupcake
Sangkap
  • 1 1/4 cups all-purpose flour
  • 3 kutsara unsweetened cocoa powder
  • 1/4 kutsarita fine salt
  • 1/2 cup unsalted butter
  • 1 tasa asukal
  • 2 itlog
  • 2 kutsarita red gel paste food coloring
  • 1 kutsarita pure vanilla extract
  • 1/2 tasa sour cream
  • 1 kutsarita white vinegar
  • 1 kutsarita baking soda red, pink at white sprinkles
  • 1 pound ng unsalted butter
  • 3 lbs confectioners’ sugar
  • 1/4 tasa whole milk
  • 1 kutsara vanilla extract food coloring
Paraan

Cupcake

  1. I-Preheat ang oven sa 350 degrees F.
  2. Ihanay ang muffin tin na pink o white cupcake liners.
  3. Sa isang bowl, i-sift ang flour, cocoa powder at asin.
  4. Sa mixing bowl, ilagay ang butter at asukal at batihin ito.
  5. Ihalo ang food coloring at vanilla.
  6. I-set sa low speed ang mixer, ilagay ang flour mixture at sour cream sa tatlong addition at sa huli ay ang flour, hintayin hanggang sa ang lahat ay humalo ng maigi sa bawat ingredient sa mixing bowl.
  7. Sa mangkok, paghaluin ang vinegar at soda at pagkatapos ay ihalo sa batter at i-mix maigi.
  8. Ilagay ang mixture sa tin liner mga 3/4 na puno.
  9. I-bake ito hanggang ito ay umalsa.
  10. Hayaang sa pan sa loob ng 10 minuto saka tanggalin sa wire rack para lumamig.

Icing

  • Sa paggawa ng icing: Sa bowl na may electric mixer, i-whip ang butter sa high speed.
  • Maglagay ng parchment paper sa work surface.
  • Gamit ang malaking sifter, i-sift ang isang pound ng confectioners’ sugar sa parchment paper.
  • Makakatulong ito upang maiwasan ang pamumuo ng asukal at para mai-mix nang madali.
  • Babaan ang speed ng mixer at gamit ang parchment ay ibuhos ang asukal sa bowl at i-mix ito ng dahan-dahan.
  • Ihalo ang gatas at i-sift uli ang susunod na pound ng asukal sa parchment paper at ihalo ulit sa mixing bowl.
  • Kapag magkakahalo na, ilagay ang natitirang asukal at ihalo rin ang vanilla.
  • Itaas ulit ang speed hanggang ang icing ay maging fluffy at light.
  • I-spread ang icing sa pinalamig na cupcakes.

Tip: Pwede rin hatiin ang icing sa maliliit na batch at kulayan ng food coloring.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

4 Comments

  1. Hi, i feel that i noticed you visited my website thus i got here to “return the prefer”.I’m trying to find issues to improve my website!I guess its adequate to use some of your ideas!!

Leave a Reply

%d bloggers like this: