Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Rainier Castillo, Balik GMA 7

Nagbalik muli ang dating  Starstruck Batch 1 member na si Rainier Castillo sa kanyang dating home network GMA 7. Naging promising man ang dating ng aktor nung isinilang ang reality talent search ng istasyon, naglahong lahat ‘yon nang talikuran ni Rainier ang Kapuso Network at lumipat sa TV5.
Sa muling pag-arte ni Rainier sa bakuran ng GMA, matutuwa ang co-batch niyang sina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Yasmien Kurdi. Gayundin kaya si Sheena Halili na dating dyowa ni Rainier?
Para sa una niyang project ay isinama siya sa cast ng Magpakailanman na titled Pabrika ng Bata at makakasama niya ang mga batikang artista na sina Christopher de Leon at Jean Garcia. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *