Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Prediction in 2018

Napaka aktibo ng taong ito at masasabing taon nang mabilis na pagbabago. Kung hindi masyadong naging maunlad ang huling taon ng 2017, maaaring makipagsapalaran muli sa taong ito.

Sa taong 2018, magandang maglagay ng mga green color sa entrance door for good income like fortune plant jade plant o bamboo, mag koleksyon ng jar o vase at maglagay ng bell sa may pintuan dahil ang aso ay nilalagyan ng kadena sa leeg na may bell.

  • Masuwerteng kulay sa 2018 ay brown, matingkad na yellow, magenta at kulay buhangin. Maganda rin mag lagay ng color gold sa loob ng tahanan upang umakit ng maraming swerte.
  • Lucky Shape ay square dahil ang elementong napapaloob sa 2018 ay lupa.
  • Lucky Gems ay tiger eye, jade, amejisto o mga panabit sa pinto (iching coin for endless earning, wood holo, bell at halaman na nasa paso)
  • Sa kalusugan, daranas ng sakit sa ubo, sipon, lagnat at pulmonya dahil sa pabago bagong klima sa kondisyon na nagmumula sa lupa.
RAT

Makakaramdam ng pangangalaga sa taong ito, hindi katulad ng nagdaang taon na para bang nawalan ng lakas. Magiging aktibo sa mga gawain na makapagpapabago ng kondisyon ng katawan at kalusugan.

Love: Magkakaroon ng panibagong kakilala na magpapasaya sa kanyang puso
Money: May pagkakataong kumita ng maraming income.
Health: Mag-meditate upang tumaas ang spiritual.
Color: Red, Orange at Green

OX

Bagamat hindi sila katugma ng aso, dito naman maraming matututunan ang Ox lalo na sa larangan ng pakikisama, dahil ang Ox ay napaka cool at akala mong laging walang pakialam sa paligid niya. sa taong ito makakakuha siya ng mga tapat niyang mga kasamahan. Kung naging magulo ang kalagitnaan ng nakaraang taon, sa taon ito maaari rin makabuo ng magagandang layunin sa larangan ng trabaho at mga plano. Malaking posibilidad makapag abroad sa mga maiinit na lugar.

Love: Marami makikilala sa pamamagitan ng SNS na magiging daan ng kanyang masayang buhay.
Money: Makakakuha ng malaking kita sa pamamagitan ng communication.
Health: Magjogging at mag-gym
Color: Green

TIGER

Kung maraming naging big challenging role ang 2016 at 2017. Maganda sa taong ito ang “Close Your Eyes & Make A Wish” na ibig sabihin ay hinihintay mong ma-preserve muli ang iyong lakas. Ang taong ito ang magpapakalma sa naantig mong damdamin at makakapag-relax.

Love: Hayaan mong lumapit at mag bukas ang pinto para sa inyong dalawa.
Money: Magaan ang pasok ng pera at may pag-asang mapromote sa trabaho.
Health: Mag relax at mag driving travel, magpamassage at body wax.
Color: Sandy at Yellowish color

RABBIT

Kung maraming naging conflict ang nakaraang taon ng 2017, sa sitwasyon ng Rabbit na medyo nahirapan sa relasyon at pakikitungo sa mga kasamahan. Sa taong ito i-aplay ang mga natutunan. Dahil nature ng rabbit ang pagiging observer at malalim na pakikitungo sa pakikipag kapwa-tao. Potential niya ang pagiging mapag kawang-gawa. Mag-eenjoy din siya sa kanyang mga kasamahan at kapamilya.
Maitutuloy na rin ang mga planong pagbili ng bahay, pag-papalit ng pinapasukang kumpaniya at paggawa ng mga proyektong di nagawa noong nakaraang taon.

Love: Madaling maisakatuparan ang planong pag-aasawa, paghahanap ng good partner at makabalikan ang dating nawalang relasyon.
Health: Magiging malusog ang pangangatawan
Money: Oras ng mag-impok at mag-invest.
Color: Pink at Brown

DRAGON

Bagaman marami na-encounter sa taon, maging kalmado lang at gawing maliwanag ang taong ito. Huwag mag pabago-bago ng isip sa negosyo at kompromiso. Iwasan ang masyadong tahimik at pag-iisa.

Love: Iwasan ang dalawang relasyon
Health: Mag yoga exercise at diet para sa magandang sirkulasyon ng dugo at iwasan ma-hypertension
Money: Huwag umasa sa mga bigay, sugal at stocks malulugi ka lang. Kailangan mag-ipon.
Color: Gold, Magenta at Orange

SNAKE

Dahil ang snake ay may angking talino, madali niyang magagamit ang kanyang mga ideya sa taon ng aso. Huwag magpadalus-dalos, maisasakatuparan ang lahat ng mithiin sa taong ito, kaya’t paghandaan ang mga bagong posisyon sa trabaho, new business chance at pagbabago ng lugar na maaaring pagtrabahuhan.

Love: Pag-aralan ang ugali ng kapareha at matutunan pakinggan ang gusto ng kabiyak. Kung nagbabalak makipag-isang dibdib, magandang isagawa sa taong 2018 o di kaya sa 2020. Huwag sa 2019 dahil walang magandang papupuntahan.
Health: Iwasan ang laging nakahiga at manatili na silid
Money: Panahon na para mag-invest at magbudget.
Color: Yellow at Magenta

HORSE

Bagamat naging unstable ang health at condition sa trabaho noong 2017, makakabawi naman ang horse sa mabilis na pamamaraan at witty niyang pag-uugali. Magta-travel sa taong ito para sa trabaho. Maraming ideya ang horse kaya magandang gumawa ng tamang schedule upang maisakatuparan ang lahat.

Love: Maaari makabuo ng pamilya o pakiki-isang dibdib.
Health: Sa unang pagpasok ng taon, magiging sakitin subalit madali rin makaka recover.
Money: May unexpectation income at money na matatanggap.
Color: Violet, Red at Green

SHEEP

Lalong dadami ang mga activities na dadaluhan at maraming grupong sasalihan. Mag-ingat sa financial. Mas magandang i-focus ang isip sa mga pagkakakitaan kaysa sa pagkakagastusan. May chance na makakasalamuha ang may posisyon sa gobyerno at hihingi ng iyong matibay na suporta ang mahal sa buhay.

Love: Magkakaroon ng pambihirang suwerte sa pag-ibig. Karera at yaman, maaaring magdala ng mga bagong pagbabago sa buhay kung aayusin ang pakikitungo.
Health: Iwasan ang pagpupuyat, magpunta sa mga massage parlor o sauna, gugulin sa taong ito ang iyong mga naisin gawin sa buhay dahil 2019, year of the pig is your fulfillment year.
Money: Mag-invest at mag-ipon. Think wisely to spend para di maubusan.
Color : Red, Yellow, Orange at Sandy

MONKEY

Magiging maganda ang marketing sa taon ng aso. Madali maisakatuparan ang mga plano at ugaliin asikasuhin ang mga kompromiso sa tamang oras upang hindi mawala ang good relationship sa paligid.

Love: Makipag date at makihalubilo.
Health: Soft food is better, iwasan ang alcohol at sigarilyo. Magpa daily checkup sa ospital.
Money: Magandang pagkakakitaan ang marketing at real estate.
Color: Red Green at Magenta

ROOSTER

Hindi man naisakatuparan ang mithiin sa taong 2017, naging maganda namang challenge sa iyong hinaharap. Sa taong ito kailangan magtiwala sa sarili upang makamtan ang mga mithiin sa buhay. Maging positibo sa pakikipag kapwa tao.

Love: Paghandaan ang nalalapit na magandang pagsasama at gawing makabuluhan ang inyong relasyon.
Health: Mag bending para maalis ang negativities sa katawan. Uminon ng maraming tubig at green tea.
Money: Bumili ng lotteries at sweepstakes
Color: Pink, Yellow at Brown

PIG

Makulay ang buhay at maraming kasamahan ang magbibigay sa iyo ng saya sa taong ito. Walang magiging hadlang sa taong ito kaya’t madaling makakapag plano, basta pag-aralan ang bawat hakbang. Lalakas lalo ang iyong karisma, maraming makakasalamuha, at mga bagong adventure ng love life.

Love: Best year para sa honeymoon. Tanggalin ang pag-alala mag-enjoy lang.
Health: Ingatan lang ang kalusugan dahil sa nalalapit ang iyong taon sa 2019. Magandang mag-exercise at mag suot ng inner shirt na kulay pula.
Money: It flows smoothly sa mga papasuking negosyo, magandang pag-aralan at unti-unting isakatuparan.
Color: Yellow at Sandy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *