You are here
Home > Gourmet Galore > Pork Salpicao

Pork Salpicao

Sangkap:
  • 500 g marbled pork steaks, hiwaing pakuwadrado
  • 1 buong bawang, pitpitin
  • 4 kutsarang extra virgin olive oil
  • 3 kutsarang butter
  • ¼ tasang Worcestershire sauce
  • Maggi savor
  • 2 tangkay spring onions, tadtarin
  • asin
  • paminta
Paraan:
  1. Lagyan ang asin at paminta ang hiniwang baboy. Hayaan masipsip ng baboy ang asin at paminta sa loob ng 15 minuto.
  2. I-prepara ang kawali at ilagay ang extra virgin olive oil. Ilagay ang baboy at haluin sa mahinang apoy hanggang magkulay golden brown at mag-umpisang lumutong. Hanguin at itabi.
  3. Alisin ang mantika sa kawali, painitin hanggang mag-umpisang umusok. Ilagay ang baboy, (by batch) hanggang ang mga ito ay magkulay brown. Alisin mula sa kawali at iluto ang natitirang batch ng baboy.
  4. Kapag ang mga ito ay naluto na, ibalik ang ibang hinangong baboy sa kawali at haluin. Ilagay ang butter, kalahati ng pinitpit na bawang, Worcestershire sauce at tangkay ng spring onions. Haluing mabuti sa malakas na apoy.
  5. Alisin mula sa kawali at ilagay sa serving plate at lagyan (sprinkle) ng Maggi Savor sa ibabaw at ilagay din ang natitirang bawang at ihain.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: