Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Porbidang Kangkong

Ang Porbidang Kangkong ay isang klase ng ulam na popular sa Bacolod. Nahahawig ito sa laing na lutong Bicol dahil ito ay may sangkap na gata at sili. Tinawag na Porbida (Forbidden) dahil sa anghang na taglay nito.

Sangkap:

• 1 malaking bungkos ng dahon ng kangkong, hugasan at linisin ang dahon
• 1 400 ml lata ng coconut milk
• 1 200 ml lata ng coconut cream
• 6 na pirasong bawang, tadtarin at hiwaing maliliit
• 2 maliit na sibuyas na mura at tadtarin
• 2-4 siling haba, hiwaing maliliit
• 1 pirasong pork stock cube
• patis
• mantika
• ¼ tasang piniritong bawang, pangdekorasyon

Paraan:

1. Paghiwalayin ang dahon at tangkay ng kangkong at hiwain nang maliliit na piraso ang tangkay.
2. Sa kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa katamtamang init ng apoy.
3. Ilagay ang siling haba at haluin sa loob ng 30 segundo.
4. Unti-unting ilagay ang gata at pork cube, itaas ang init ng apoy at pakuluin hanggang lumapot ang sabaw at lumabas ang mantika nito.
5. Idagdag ang pirasong tangkay ng kangkong at pakuluim sa karagdagang 90 segundo na walang takip ang kawali.
6. Idagdag ang dahon ng kangkong at pakuluin sa karagdagang 1 minuto.
7. Ibuhos ang coconut cream at pakuluin pa at lasahan ng patis at budburan sa ibabaw ng maraming piniritong bawang

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *