Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Popular Ski Destinations in Japan

Photo: Wikipedia

Isa sa paboritong bonding ng magkakapamilya at magkakaibigan tuwing winter season ang mag-ski trip. Kadalasan ay sumasali sila sa mga bus tours patungo sa mga world class ski at snowboard destinations sa Japan dahil sa bukod sa mas makakamura ay mas enjoy pa dahil makakakilala ng bagong mga kaibigan na excited din sa makikitang snow at magagandang tanawin at masubukan ang popular na winter sport.

Mayroong mahigit sa 500 ski resorts sa bansa. Sa pagpunta sa mga ito, mainam na may dalang sariling gears ngunit may maaarkila rin naman pagdating dito. Pinapayo na magbaon ng karagdagang proteksyon sa lamig tulad ng gloves, bonnete at earmuffs dahil kadalasan ay hindi ito kasama sa mga pinapahiram na kasuotan.

Girl excited to hit the slopes in Japan

Narito ang ilang popular na ski destinations sa bansa na maaaring pasyalan:

1. Oze Iwakura – Isa sa pinakamalaking ski resorts sa Kanto area. Mayroong 16 na iba’t ibang courses dito na pwedeng pagpilian ng mga skiers at snowboarders. Bukas ito hanggang Abril 10, 2016. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website: http://www.oze-iwakura.co.jp/ski/en/

2. Tangram Ski Circus – Matatagpuan sa Nagano na popular dahil sa mga snowcapped mountains dito, magandang puntahan ng buong pamilya ang resort na ito na kumpleto sa playground at nursery para sa mga bata habang may mga pasilidad din na mae-enjoy ng mga matatanda. Bukas ito hanggang Marso 2016. Para sa kumpletong impormasyon, bisitahin ang kanilang website: http://www.tangram.jp/foreign/english.html

3. Kawaba Ski Resort – Sa parteng Gunma-ken ay matatagpuan ang ski resort na ito. May dalawang ski tour packages ang pwedeng i-avail dito. Para sa mas detalyeng impormasyon, mainam na bisitahin ang kanilang website: http://www.g-jmt.com/ski-package-day-trip/kawaba-day-ski-tour.php

4. Gala Yuzawa – Hindi kalayuan sa Tokyo ay matatagpuan ang isa sa itinururing na best ski resorts sa bansa. Ipinagmamalaki rito ang mga ski slopes at skiing facilities pati na rin ang nakakamanghang snowy landscape. Bisitahin ang https://www.govoyagin.com/activities/japan-tokyo-ski-day-trip-to-one-of-the-best-ski-resorts-gala-yuzawa/2993?gclid=COTIqoO7t8kCFYGZvAodMF4A2A
para sa mas detalyeng impormasyon.

Bukod sa mga ito ay popular din sa mga lokal at dayuhang turista ang mga ski resorts sa Hokkaido, Tohoku at Niigata na tiyak na mae-enjoy ng sinumang papasyal sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *