You are here
Home > Gourmet Galore > Pocherong Tinomas

Pocherong Tinomas

Sangkap:
  • 1 kg stewing beef o 1½ kg beef short ribs
  • ½ tasang bacon scraps o ½ cup cubed hamon
  • 2 katamtamang laki ng kamote, hiwaing pakwadrado at iprito
  • 4 pirasong saging na saba, hiwaing pahalang at iprito
  • 2 bungkos ng pechay (Bok choy)
  • 150 g French green beans (pamilya ng habitsuelas)
  • 3 kutsarang tomato paste
  • 1 tasang Mang Tomas sauce
  • 1 litrong sabaw ng baka (beef stock)
  • 1 sibuyas, hiwaing pakwadradong maliit (diced)
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • patis
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Lagyan ng asin at paminta ang kabuuan ng baka.
  2. Sa kaserola, maglagay ng mantika at ilagay ang piraso ng baka at iprito hanggang magkulay brown. Hanguin at itabi.
  3. Sa parehong kaserola, ilagay ang bawang at sibuyas. Igisa.
  4. Idagdag ang bacon scraps o hamon at iluto sa loob ng 2 minuto.
  5. Ibalik ang baka at ibuhos ang sabaw ng baka at pakuluin sa mahinang apoy sa loob ng 1 oras o hanggang lumambot ang baka.
  6. Ihalo ang tomato paste at Mang Tomas sauce at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 15 minuto.
  7. Idagdag ang French beans, kamote at saging na saba at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 5 minuto.
  8. Lasahan ng patis at paminta at ihalo ang bok choy. Patayin ang apoy at takpan ang kaserola sa loob ng 5 minuto para maluto ang gulay. Ihain kasama ang mainit na kanin.

Source: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: