Home > Gourmet Galore > Pocherong Bisaya

Pocherong Bisaya

Ang partikular na lutuing ito ay madalas na pinagkakamalang bulalo dahil sa kulay ng sabaw at ang sangkap na kahalintulad sa nilaga. Subalit kapag titikman ay iba ang lasa nito. Pocherong Bisaya na ang sangkap ay lemongrass at bawang na nagbibigay ng sariwang lasa, saging na saba at sweet corn para magkaroon ng tamis at konting labong (bamboo shoot) upang magbigay ng karagdagang linamnam. Sa kabuuan, ibang klase ng lutuing may sabaw.

Sangkap:

  • 1.5 kg beef shanks, putulin sa ilang bahagi
  • 4 pirasong saging na saba, hiwain
  • 1 tasang labong (bamboo shoot)
  • 2 pirasong sweet corn, putulin sa tatlong bahagi
  • 2 bungkos ng pechay (bok choy)
  • 1 repolyo, hatiing makaapat
  • 4 tangkay ng lemongrass, pitpitin ang puting parte
  • 6 tangkay ng spring onions, hiwain
  • 1 sibuyas, hiwaing makaapat
  • 1 pirasong luya, balatan at hiwaing manipis
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit, dikdikin
  • asin o patis
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Sa isang kaserola, pakuluan ang beef shanks sa loob ng 15 minuto. Hanguin, hugasan ang dumi (scum) sa tubig.
  2. Sa isang malinis na kaldero, maglagay ng mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
  3. Ilagay ang beef shanks, sweet corn, labong, lemongrass at asin. Lagyan ng tamang dami ng tubig at pakuluin. Babaan ang apoy at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 1 1/2 oras o hanggang lumambot ang karne.
  4. Idagdag ang saging na saba at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 15 minuto.
  5. Ilagay ang repolyo at ituloy ang pagpapakulo.
  6. Ihalo ang pechay (bok choy) at sibuyas na mura (spring onions), at ituloy ang pagpapakulo sa 5 minuto.
  7. Lasahan ng asin o patis at paminta. Ihain habang mainit.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

%d bloggers like this: