Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Philippine Festival 2017

Noong nakaraang Septyembre 30 at Oktubre 1, ginanap ang Philippine Festival 2017 sa Hibiya Park. Kung saan, maraming Pilipino ang dumalo at naki-isa sa pagdiriwang ng Pista. Mga nagsidalong artista na sina Xian Lim, KZ Tandingan at ang Ms. International 2016, Ms. Kylie F. Verzosa ang nagpaligaya sa napakaraming Pilipino.

Maraming mga iba’t ibang kumpanya rin ang sumali at naki-isa sa kasiyahan ng mga Pinoy. Maraming masasarap na pagkain pinoy ang talaga namang kinasabikan ng ating kababayan at ang lahat ay naging organisado dahil sa maayos na pila sa bawat booth ng pagkain.

Taun-taon pinagdiriwang ang Philippine Festival pero itong taon na ito ang masasabing pinakamaaayos. Lahat ay pinagsikapan at binigyan ng effort ng buong Philippine Festival Organizing Committee at suporta ng Embahada ng Pilipinas para ito ay mapaganda. Kaya sa lahat ng bumubuo ng Committee ng Philippine Festival .

MABUHAY!!! MARAMING SALAMAT PO SA INYO LAHAT!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *