Pesang Manok
Sangkap:
- 1½ kg chicken legs at thighs
- 2 malalaking patatas, hiwaing makaapat
- ½ maliit na Napa cabbage, hiwain
- 1 bungkos na bok choy
- 3 piraso ng spring onions, tadtarin
- 6 tasang hugas bigas
- 2 maliit na piraso ng luya, balatan at hiwain
- 1 malaking puting sibuyas, hiwaing makaapat
- patis
- 2 tsp buong paminta
Paraan:
- Sa isang kaserola, pagsamahin ang chicken, luya, sibuyas, pamintang buo at tubig. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 25 minuto.
- Idagdag ang patatas at lutuin sa loob ng 15 minuto.
- Ihalo ang Napa cabbage at pakuluin sa loob ng 5 minuto.
- Idagdag ang bok choy at spring onions at hayaang kumulo sa karagdagang 2 minuto.
- Lasahan ng patis at iahin kasama ang mainit na kanin.