Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Pambato ng Japan at South Korea, wagi sa unang Global Tawag ng Tanghalan

Sina Makoto Inoue ng Japan at Cris Lyn Joy Rotor ng South Korea ang kakatawan sa Northeast Asia sa gaganapin na Global Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime” showdown sa Manila

Pinangalanan na ang unang batch ng Global Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime Asia Pacific Region Finals na sina Makoto Inoue at Cris Lyn Joy Rotor, matapos ang ginanap na Northeast Asia (NE Asia) region finals noong October 14 at 15 sa Shinjuku, Japan at Seoul, South Korea.

Napili ang mga nagwagi base sa kanilang tone quality; voice projection; stage impact; at intonation na masusing binantayan ng mga naging judge para sa region finals na sina “It’s Showtime” Associate Producer Jerome Vargas; Second Secretary and Consul for Cultural Section of the Embassy of the Philippines in Tokyo, Japan Kristine Margret Malang; Country Manager of the Bank of the Philippine Islands (BPI) Japan Representative Office Bon Urven Dampor; Cultural Officer of the Philippine Embassy in Korea Maricor Jesalva; at Vice President for Hyewadong Filipino Catholic Community in Korea Roger Amboy Vice.

Mula sa sampung finalists, sina Inoue at Rotor ang pinalad na nagwagi at ngayon ay ang official representatives ng Northeast Asia sa Global Tawag ng Tanghalan showdown na gaganapin sa Manila. Nagwagi ang dalawa ng USD 1,000 bawat isa.

Naniniwala sina Inoue at Rotor na higit pa sa cash prize, ang Global Tawag ng Tanghalan ay magandang oportunidad para sa overseas Filipinos (OFs) dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na ipakita ang kanilang talento kahit pa malayo sila sa Pilipinas.

Labing limang taon na si Inoue sa Japan at nagsimula ang interes ni Inoue sa musika sa edad na tatlong taong gulang, dahil na rin sa kaniyang ina na dating professional singer. Kuwento niya, “Siya ang nagturo sa akin kung papaano kumanta, at mula noon araw-araw po akong kumakanta”.  Ngayon, nais niyang bigyang inspirasyon ang iba tulad ng naibahagi ng ina.

Nais ni Inoue na magsilbing inspirasyon sa kaniyang mga kababayan. “Gusto ko po na maging instrumento ang aking talento upang mabigyan ng pag-asa at inspirasyon ang mga kapwa kong Pilipino na nasa iba’t ibang bansa.  Kahit nasaan ka, ano ang ginagawa mo, at kahit ano mang sitwasyon, makakamit mo pa rin ang pinapangarap mo kung patuloy kang mananalig at maniniwala sa kakayahan mo”, pahayag ng 15-year migrant.

Limang taon naman nang nasa South Korea si Rotor  Nagsimula rin sa murang edad ang pagkahilig ni Rotor sa musika at ngayong ay malayo na ang kaniyang narating.

Ani Rotor, “Malaking honor po and achievement ang mag-represent ng Northeast Asia Pacific sa Global Tawag ng Tanghalan”.

Ayon kay ABS-CBN Transient Segment Head for Asia Pacific na si Eric Martin Santos, noong una ay inasahan ng TFC team na karamihan ng entries ay mangagaling sa Japan. Laking gulat nila noong nalaman nilang halos kapantay ng entries ng Japan ang mula sa South Korea.

“We have just started bringing our Kapamilya service to South Korea but the feedback has been overwhelming so far.  Filipinos in South Korea had been yearning for an outlet to reach out to the homeland andGlobal Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime” provided not just a talent competition but more as an international venue to showcase the Filipino ingenuity and talent” ani Santos.

Abangan ang mga susunod pang region finals winners ng Global Tawag ng Tanghalan sa “It’s Showtime” na mula sa Middle East sa November 3 sa “One Music X” sa Dubai at iba pang mga bansa mula sa Asia Pacific sa huling bahagi ng 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *