Home > Gourmet Galore > Paksiw na Pata

Paksiw na Pata

Ang Paksiw na Pata, Batangas Style ay isang uri ng lutuin sa Batangas kung saan ang pata ng baboy ay iniluluto sa suka, bawang at sibuyas. Ang ibang bersyon nito ay gumagamit ng toyo at konting asukal.

Sangkap:

  • 1.5 kg pork leg, hiwain
  • ½ tasang cane vinegar
  • 1 buong bawang, hiwaing pahalang
  • 2 katamtamang laki ng pulang sibuyas, hiwaing makaapat
  • 3 kutsarang pamintang buo
  • 3 pirasong laurel (bay leaf)
  • 3 pirasong siling haba
  • patis
  • tubig

Paraan:

  1. Sa kaserola, ilagay ang pata at tubig. Pakuluin sa loob ng 5 minuto.
  2. Alisin ang tubig at hugasan ang pata. Linisin ang kaserolang pinagpakuluan kung kinakailangan.
  3. Ibalik sa kaserola ang pata, at ilagay ang bawang, pamintang buo at laurel. Maglagay ng tamang dami ng tubig at pakuluin sa mababang init ng apoy sa loob ng 45 minuto. Habang kumukulo, tingnan ang dami ng tubig at dagdagan kung kinakailangan at huwag hayaang matuyuan.
  4. Ilagay ang sili, suka, sibuyas na pula at patis panglasa. Ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 30 minuto o hanggang ang pata ay lumambot.
  5. Ihain kasama ang mainit na kanin.

Recipe & Photo by Raymund Macaalay (http://www.angsarap.net/)

Leave a Reply

%d bloggers like this: