Home > Gourmet Galore > Paksing Demonyu

Paksing Demonyu

Sa pangalan pa lang ng ulam na ito ay alam mo nang maanghang. Ito ay nagmula sa Pampanga. Niluluto na kasama ang gulay at suka at maraming sili.

Sangkap:
  • 1-2 ampalaya, hiwain
  • 2-3 pirasong talong, hiwain
  • 1 tali ng sitaw, hiwain sa tig-2 pulgadang haba
  • 1 kamatis, hiwain
  • 1 malaking sibuyas na pula, tadtarin
  • 4 pirasong bawang, tadtarin
  • 1 maliit na luya, hiwain nanng maliliit
  • 2 pirasong siling haba, hiwain nang maliliit
  • 2 kutsarang brown sugar
  • ¾ tasang cane vinegar
  • ¾ tasang tubig
  • patis
  • paminta
Paraan:
  1. Hilamusan ng asin ang hiniwang amplaya. Itabi sa loob ng 15 minuto. Hugasan ang ampalaya sa gripo para maalis ang asin at ilagay sa salaan para tumulo ang sobrang tubig.
  2. Sa mainit na kawali, ilagay ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, luya at sili.
  3. Ihalo ang suka at asukal, pakuluin at saka ihalo ang gulay.
  4. Hayaang kumulo sa loob ng 12-15 minuto o hanggang maluto ang mga gulay.
  5. Lasahan ng patis at paminta at saka ihain.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

%d bloggers like this: