Home > Showbizz > Pagmamahal sa pamilya ang mangingibabaw sa pagtatapos ng “My Dear Heart”

Pagmamahal sa pamilya ang mangingibabaw sa pagtatapos ng “My Dear Heart”

Hanggang sa huli ay patuloy na magbabahagi ng mga aral tungkol sa pamilya, pagmamahal, at pagpapatawad ang ABS-CBN series na “My Dear Heart”.  Tiyak na inaabangan din ng mga manonood ang magiging kapalaran ni Heart na ginagampanan ni Nayomi “Heart” Ramos sa pagtatapos nito, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC, at via streaming simulcast sa Philippine airing nito sa June 16, (Manila time) via TFC online (www.TFC.tv)  sa key countries worldwide.   Mapapanood din ang catch-up episodes nito via TFC online at TFC IPTV sa key countries worldwide.

Hinangaan at kinapulutan ng aral ang palabas dahil sa mga kuwento ng bawat karakter nito, tulad na lamang niMargaret (Coney Reyes) na matapos ang paghaharap nila ng mortal niyang kaaway na si Albertus (Robert Arevalo), pinatunayang walang bagay o yaman ang makakapantay sa pamilya.  Bukod pa roon ay ipinakita niya na posibleng magbago ang isang tao dahil sa pagmamahal sa pamilya at pagtanggap ng mga pagkakamali.

Bukod kay Margaret, kinabiliban din at nagsilbing magandang ehemplo sa kabataan ang batang si Heart dahil sa pagkakaroon niya ng busilak na puso, na siyang pinagkukuhanan ng lakas ng kaniyang pamilya. Naging instrumento rin siya upang baguhin ang mga tao sa kaniyang paligid, at nagbigay-inspirasyon upang mangibabaw ang pagmamahal sa kanilang mga puso.

Hindi naman naging rason ang mga pagsubok para kina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) upang sumuko. Nanatili silang matatag at puno ng pasasalamat sa Diyos sa kabila ng lahat ng sakuna na kanilang hinarap na siyang naging inspirasyon sa mga manonood.

Naging manhid man dahil sa kaniyang naging karanasaan sa nakaraan, muling lumambot ang puso ni Gia (Ria Atayde) para sa kaniyang anak, at ibinigay ang lahat ng kaniyang kaalaman at pag-aaruga upang mapagaling at mapabuti ang kalagayan nito.

Samantala, dahil sa mga aral na ibinabahagi ng serye, isa ito sa mga pinakatinututukan na programa nationwide at sa katunayan ay nakakuha ng all-time high national TV rating na 32.6%, ayon sa datos ng Kantar Media Television Audience Measurement (TAM), isang local viewership measurement company. Isa rin ito sa mga programang sinusubaybayan sa key countries worldwide via TFC online (TFC.tv).

Matindi rin ang suporta ng netizens para sa palabas kaya naman trending topic ito gabi-gabi sa Twitter, at umaani na ng papuri at libo-libong tweets.

Samantala, dapat pa ring pakatutukan ng mga manonood ang huling episode ng “My Dear Heart.” Nitong huling linggo ng programa, ipinakita na bagama’t nahuli na si Francis (Eric Quizon) dahil sa kaniyang mga kasamaan, gumawa naman ng paraan ang ama nitong si Albertus (Robert Arevalo) upang ipagpatuloy ang pagpapabagsak kayMargaret at pagsira sa pangalan nito. Hindi naman ito naging dahilan para sa pamilya ni Heart para sumuko kaya patuloy pa rin silang lumalaban para kaniyang paggaling.

Ngayong huling episode ng “My Dear Heart”, inaabangan ng mga manonood kung gagaling pa ba si Heart at kung paano makakaapekto sa mga tao sa paligid niya ang kaniyang kahihinatnan.

Huwag palalampasin ang pagtatapos ng teleseryeng magpapaalala sa mga manonood kung paano ang magmahal ng tunay, ang “My Dear Heart,” na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC. Samantala, ang huling episode naman nito ay may streaming simulcast sa ABS-CBN airing nito sa June 16, (Manila time) via TFC online (www.TFC.tv) sa key countries worldwide.  Ang catch-up episodes naman ay mapapanood din via TFC online (www.TFC.tv) at TFC internet protocol television (IPTV) sa key countries worldwide.

Leave a Reply

%d bloggers like this: